Umepek kaya kay Bato? paggamit ng pelikula ng mga kakandidato malaking tulong!
Umepek kaya kay Bato? paggamit ng pelikula ng mga kakandidato malaking tulong!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - January 26, 2019 - 12:00am

“Ganoon na ba sila kababaw na dahil sa pulitika lang gagawin nila iyon,” ito ang naging comment ni Robin Padilla sa sinasabing panawagan para i-boycott ang kanyang ginawang pelikula na tungkol sa buhay ni Gen. Bato dela Rosa na ngayon ay kandidato sa dara­ting na eleksiyon.

Pero masisisi mo ba ang mga nananawagan ng boycott?

Hindi rin naman masisisi ang mga nananawagan ng boycott dahil ang subject nga ng pelikula ay isang kandidato at nagkataong ilalabas iyon sa sinehan ­ilang buwan bago ang eleksiyon. Bakit hindi ilabas pag­katapos na ng eleksiyon? Maliwanag na may layuning political din ang pelikula.

Hindi ninyo matatawaran ang magagawa ng isang pelikula sa eleksiyon. Pinaka-classic na kuwento riyan ang pelikula tungkol sa buhay ni dating Presidente Ferdinand Marcos, ang Iginuhit ng Tadhana. Kahit na noong simula ay ipinahaharang iyon ng noon ay presidente Diosdado Macapagal, nakalusot iyon at sinasabing malaking bagay ang nagawa para sa kandidatura ni Marcos. Kaya noong muling tumakbo si Marcos bilang re-electionist president, gumawa pa sila ulit ng isa pang pelikula, iyong Pinagbuklod ng Langit, na nakatulong din nang malaki.

Sinasabing naihanda rin ang kandidatura noon ni Senador Ping Lacson nang gawin ni Rudy Fernandez ang kanyang life story. Naging gobernador ng Cavite si Epimaco Velasco nang gawing pelikula ang kanyang buhay. Maraming mga opisyal ng gobyerno na nagpapabango ng pangalan dahil sa eleksiyon ang gumamit ng pelikula bilang propaganda material, at dahil diyan natural lang naman sa mga kalaban nila na pigilin ang pelikula o ang mga manonood na panoorin iyon.

Talaga nga sigurong masasabing pulitika lang ang dahilan, eh kasi naman ginawa nila iyan at halatang inihabol pa kung kailan malapit na ang eleksiyon.

Ang isa pang issue, bagama’t isang major film company ang distributor ng pelikula, ang mga producer noon ay mga baguhan sa co­mmercial film production. Ang isa ay talent manager at ang isa naman ay isang garment manufacturer.

Mga aktor na pumapayag mag-bakla sa pelikula nawawalan ng career

Talagang napakarami nang palabas sa telebis­yon man o sa pelikula na tungkol sa buhay ng mga bakla. Iyong mga subject ngayon, talagang buhay na nila, hindi na kagaya noong una na ang nanaig lalo na sa mga indie films ay gay sex lamang. Ngayon ang tema ay may justification na ng kabaklaan, ibig sabihin nagmumula na iyan sa talagang LGBT community.

Pero alam ba ninyo na maliban sa mga comedian, lahat ng artistang lalaking gumawa ng gay roles ay bumagsak ang career? Sinasabi nga nila na sa mga ganyang roles, si Mang Dolphy lang ang survivor at iyon ay dahil sa gay comedy. Nang sinubukan ni Mang Dolphy na gumawa ng seryosong gay movie, ang Tatay Kong Nanay na ginawa pa ni Lino Brocka at Markova: Comfort Gay, na ginawa ni Gil Portes, bumagsak din ang kanyang mga pelikula.

Mukhang sa Pilipinas, natatanggap ang mga actor na nagbabakla-baklaan lamang, pero iyong totohanang bakla, hindi talaga sumisikat na dahilan kung bakit hindi makalantad kahit na ang mga tunay na baklang artista.

Pero anumang tago nila, kung minsan ay sumisingaw din dahil sa mga taong nakakakilala at nakakakita sa kanila. Kagaya nga noong isang male star na nabungkal pa pati ang mga picture niya noong bata pa siya na naka-make up at nakasuot ng damit pambabae. Tinatawag din pala siya noong “Malate Queen” dahil may panahong nasa Malate ang maraming gay bars at lagi nga siyang naroroon.

BATO DELA ROSA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with