Anne Curtis
Anne consistent ang kilig sa K-Drama
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - January 24, 2019 - 12:00am

Balik sa panonood ng Koreanovela si Anne Curtis.

Isang follower sa Twitter ang sinagot niya kung ano ang mga favorite K drama niya. At ito ang sagot ni Anne : “1. Goblin 2. DOTS 3. It’s Ok, That’s Love 4. Chicago Typewriter 5. Coffee Prince 6. Something in the Rain 7. That Winter The Wind Blows But I categorized the super light ones with a diff top 5. 1. Strong Woman Do Bong Soon 2. Weightlifting Fairy Kim Bok Joo 3. WWWSK (What’s Wrong with Secretary Kim).”

Bilib si Anne sa K drama kung saan nga naman na-perfect ang formula ng sagad na kilig na hindi ka nag-iisip, basta mag-e-enjoy ka pag nanonood ka. “Caught at that perfect moment right after the ending. What I love about k-dramas? They have perfected the formula of KILIGNESS. Whether the storyline is deep or super light. Actually, another realization is, boyfriends and husbands actually benefit from all this KILIG!,” sabi niya sa isa pang tweet.

Bago pa man nag-asawa si Anne ay adik na siya sa K drama.

Rosanna pinagbabayad ng P3.1 M sa Flawless

Naku pinagbabayad talaga ng Court of Appeals si Rosanna Roces ng P3.1 million damages sa Flawless beauty clinic matapos nitong i-affirmed ang naunang decision na magbayad siya ng nasabing halaga para sa breach of contract dahil sa defamatory statement o mapanirang pahayag.

Kahapon nga ay lumabas ang decision ng CA kung saan ay naibasura ang apela ng inactive actress sa naunang decision noong 2018.

Dating investor ang actress sa Flawless pero nagkaroon sila ng falling out na humantong nga sa demandahan.

Kasalukuyang bapapanood ang actress sa seryeng Los Bastardos.

McLisse masaklap ang kapalaran sa takilya

Masklap din pala ang kinahinatnan ng pelikulang Sakaling Maging Tayo starring Ellise Joson and McCoy de Leon.

Nagbukas ito sa mga sinehan last Wednesday last week at so far, hindi rin ito kumita.

Hindi raw sila nagkakalayo ng pelikulang  Boy Tokwa na masama rin ang naging kapalaran sa takilya.

Napatunayang ‘di pa malakas ang tambalan ng McLisse.

Wala pang feedback kahapon kung maganda ang kita ng pelikulang Born Beautiful starring Martin del Rosario na pawang magaganda ang review.

Sana nga ay magbago ang kapalaran ng mga pelikulang pinala­labas at ipalalabas pa ngayon taon.

ANNE CURTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with