Martin naghamon sa mga nagdududa sa kanyang pagkalalaki
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - January 24, 2019 - 12:00am

Grabe ang reaction sa eye-catching posters ng pelikulang Born Beautiful, Salve A., kung saan pinapakita ang lead actor na si Martin del Rosario, bilang ang magandang si Barbs na ginagampanan niya sa nasabing pelikula.

Beautifully made up and wearing a sexy attire, mukha talaga siyang babae mula ulo hanggang paa. Kahit si Martin mismo ay babaeng-babae ang tingin niya sa sarili, nagkahawig pa nga sila ng magandang aktres na si Dawn Zulueta.

Don’t look now, but Martin keeps a photo ni Dawn sa kanyang wallet at ng photo niya na kahawig ni Dawn.

Tiyak, lalong maloloka ang manonood, when they watch the movie na. In several scenes in Born Beautiful, Martin shares torrid kisses with her leading men, Kiko Matos at Akihiro Blanca.

“The film, though transgender inspired, will not just amuse at magugusthan ng mga LGBT,” ani Perci Intalan, who directed Born Beautiful. “Which is why, I’m so happy and grateful to MTRCB (Movie Television Review and Classification Board) that they agreed sa aming pakiusap to lower their rating from R-18 to R-16. Kailangan lang naming magblee-bleep ng ilang linya na idini-liver ni Chai Fonacier.

“Na we agree, was masyadong bulgar. Kahit pa sabihing naririnig nating madalas na bini-bigkas ng ating mga kapwa Pilipino,” dagdag pa ni direk Perci.

Born Beautiful is now showing in more than 100 theaters, including ang mga sinehan ng SM na off-limits ang magpalabas ng mga R-18 na pelikula.

Of Martin dahil sa too good to be true performance niya as Barbs sa Born Beautiful, marami ang nagtatanong kung hindi raw ba siya beki o transgender sa tunay na buhay?

Ang buwelta ni Martin: “Gusto ninyo akong subukan.”

Now 26 years old, nakailang girlfriend na rin daw siya, ani Martin. But now, bakante o loveless daw siya.

Joross natupad ang ‘dream big’

Dream big, that’s what Joross Gamboa has been doing since he joined showbiz more than 10 years ago. And, happily, thank God too, he said, wala siyang pagsisisi so far na manatili siya sa industriya.

Pero bago niya pasukin ang showbiz, pinagbigyan muna niya ang hiling ng kanyang mga magulang na magtapos siya ng pag-aaral. He finished college at the Southville International School in Parañaque.

Bilang aktor, hindi nababakante si Joross sa mga project so far at bukas siya sa iba’t ibang role.

In Unexpectedly Yours, co-starring him with Sharon Cuneta at Robin Padilla, directed by Cathy Garcia-Molina, sa kanya nakasentro ang mga light moment sa pelikula.

Instantly, ayon kay Joross, na-exploit ang kanyang pagiging comedian.

Sa kanya namang current series na FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin, kontrabida naman siya to the max.

He has a soon-to-be released movie ngayon, ang ‘Tol, kung saan makakabatuhan naman niya ng linya na puro katatawanan ay sina Arjo Atayde, Ketchup Eusebio at Jessy Mendiola.

‘Tol is directed by Miko Livelo and produced by Reality Entertainment.

Now, guess what Joross most important accomplishment lately?

He finally realizes his wish na makapag-direk ng pelikula. Sa kanya ipinagkatiwala ng N2Productions ang pag-direk ng bagong offering nito.

Allergy In Love, starring Cholo Barretto, Chienna Filomena, Kat Galang and Ketchup Eusebio.

Kung ang private life naman ang pag-uusapan, he is happily married to Kathy Saga for 10 years now. They are parents to a son.

Well, Joross, keep up the good work. And more luck.

MARTIN DEL ROSARIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with