Arjo umamin na sa relasyon nila ni Maine
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - January 24, 2019 - 12:00am

“We are exclusively dating, I am at my happiest right now and further details, I won’t say it more, basta hanggang doon lang muna.”

Ito ang pahayag ni Arjo Atayde sa tanong kung sila na ba ni Maine Mendoza sa presscon ong ‘Tol, ang comedy film niya kasama sina Ketchup Eusebio at Joross Gamboa held last Tuesday night.

Marami pang tanong kay Arjo about Maine pero he refused to give other details like kung ilang months na silang dating, kung na-meet na ba niya ang family ng Dubsmash Queen, etcetera.

Ang lagi niyang sagot kapag medyo personal na ang tanong,“hanggang doon na lang po muna.”

Dagdag niya, “what you see is what you get” at basta ang masasabi lang niya ay dating sila at masaya siya.

Natanong kung ano ang qualities na nagustuhan niya kay Maine, ani Arjo ay lahat daw. Hanggang doon lang ang sinabi niya.

Gusto ba niyang maging leading lady si Maine?

“Never ko talaga naisip na trabaho kaagad, magiging leading lady, this is a personal level, this is not a showbiz thing, this is totally on a personal level, we haven’t talked about anything like that.

“And if ever we do, thank you Lord, if ever we do get together, but if we don’t, it doesn’t really matter coz what matters to me is the personal side and that’s all I can say,” pahayag ng aktor.

Gusto rin ba niyang makatrabaho si Alden Richards?

“I’m open to working with anyone. I already said this a lot of times. Wala po akong pinipiling artista. If the production thinks or the bosses think that the character of the actor fits the role, that’s how I am.

“I’ve been working my ass off for 7 years, and I’ve been working with all these actors left and right and I have no say and I’m just very thankful kasi ang ibinibigay sa aking mga katrabaho ko, mahuhusay. So, I’m learning that way and I’m happy,” he said.

Samantala, happy si Arjo na for a change ay mapapanood siya sa comedy film na ‘Tol. Ito ang kanyang first comedy film at puring-puri naman siya ng direktor na si Miko Livelo dahil nakasabay siya sa pagpapatawa sa mga sanay na sa comedy na sina Ketchup at Joross.

Showing na sa Jan. 30 ang ‘Tol under Reality Entertainment.

Janine hindi issue na di nakikita ang lola Nora

Hindi issue kay Janine Gutierrez kung hindi man nakarating ang lola niyang si Nora Aunor sa kasal ng nanay niyang si Lotlot de Leon noong December. Ayon sa young actress, hindi na rin naman daw niya in-expect na darating ito.

Pero aminado naman siyang mas masaya sana kung naroroon ang lola niya sa importanteng okasyon na ‘yun at invited naman daw talaga ito.

“She was invited, siyempre. Siyempre invited siya, mama siya ni mama. Pero I don’t know what happened. Siguro, busy. May teleserye, siyempre. So, naintindihan naman po namin,” ani Janine nang makausap namin sa presscon ng pelikulang Elise under Regal Films.

Ang Onanay sa GMA-7 ang teleserye ni ate Guy ngayon na pinagbibidahan ni Jo Berry. Natanong nga rin si Janine kung okay lang ba sa kanya na mag-guest sa nasabing serye.

“Okay po, kaya lang may sisimulan na rin po ako na show, eh,” natatawa niyang sey. “So, hindi na rin ako makakapag-guest.”

Samantala, ipalalabas na sa Feb. 6 ang Elise na first film ni Janine for 2019 mula sa Regal Films.

Kasama niya rito si Enchong Dee mula sa direksyon at panulat ni Joel Ferrer.

ARJO ATAYDE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with