Marian Rivera
Marian tututukan ang negosyong bulaklak habang nagpapahinga
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 24, 2019 - 12:00am

It seems pahinga na muna si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, tulad nang sabi niya noon na after ng launch nilang mag-ina ng panganay na si Letizia o Zia, ng sariling TVC para sa Nido 3+ ay magpapahinga na muna siya sa showbiz work at aasikasuhin na lamang ang kanyang family at ang kanyang flower business na Flora Vida lalo pa ngayon na nalalapit na ang Valentine’s Day.

Cute ang pinost ni Marian na isang doll sa kanyang Instagram na binigyan niya ng name na ‘Maria.’  “No matter how young or old you are, Dolls provide us with warmth and the feeling of sureness and comfort. Meet Maria... her name means a beautiful, confident woman who dreams big, loves hard and face her fears head on.

Visit www.floravidabymarian.com to place your order,” post pa ni Marian.

Samantala, patuloy pa ring napapanood ang OFW documentary ni Marian na Tadhana e­very Saturday afternoon sa GMA-7, after Asawa Ko Karibal Ko dahil nakapag-ipon na sila ng episodes na ipalalabas habang naka-materity leave siya.

Enchong mas maraming nagawa nang mawalan ng dyowa

Almost three years na palang loveless si Enchong Dee, since 2016 daw nang huli siyang nagkaroon ng girlfriend. Sagot ito ni Enchong nang tanungin ang kanyang lovelife sa mediacon ng l­atest movie nila ni Janine Gutierrez, ang Elise for Regal Films.

Nagustuhan daw niya na after ng last girlfriend niya ay maganda raw pala iyong wala siyang pinagpapaalaman, kung gusto raw niyang magbakasyon, libre siyang umalis at nag-enjoy na raw siya sa ganoon, maganda sa pakiramdam.

“Mas marami po akong na-achieve nang mag-isa lamang ako,” patuloy ni Enchong. “But I will not be single forever. Darating din siya.”

Story ng first love ang Elise. Mga bata pa sila nang ma-in love sa isa’t isa. Nagsimula sila sa puppy love at ang tanong kung magiging sila pa rin, dahil nagkahiwalay na rin sila noon para i-pursue ang kanilang dreams.

Si Enchong at si Rayver Cruz ay best friends kaya nagkabiruan daw sila nang malaman niyang may kissing scene sila ni Janine na nali-link naman sa kanyang kaibigan.  Nagpaalam ba si Enchong kay Rayver tungkol sa kissing scene?

“Hindi po ako nagpaalam kay Rayver kasi alam kong very supportive siya kay Janine. Si Janine po ang ki­nausap ko tungkol sa kissing scene. No problem naman dahil pareho kaming professional. Alam kong malaki ang tiwala sa kanya ng best friend ko. Noon ko pa rin kilala si Janine at nang magkasama kami sa movie ay nakita kong she’s easy and fun to work with, especially off-camera.”

Kasama pa rin sina Laura Lehmann, Miko Raval, Miel Espinosa at introducing si Victor Anastacio, ang Elise ay dinirek ni Joel Ferrer at pre-Valentine presentation ng Regal Entertainment in cinemas nationwide starting February 6.

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with