^

Pang Movies

Dingdong hindi alam ang tunay na problema ng bayan?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Dingdong hindi alam ang tunay na problema ng bayan?!
Dingdong Dantes

Kung minsan nakakapanlumo ang napapanood natin sa telebisyon, at nakikita nating kumakalat sa internet, kagaya noong isang bata na pinukpok ang ulo at nang bumagsak ay tinadyakan pa, namatay iyon dahil nabagok ang ulo, at ang mga gumawa ay pawang mga menor de edad.

Nakakapanlumo rin iyong isang kaso ng rape, at iyong babae hindi na makapasok sa eskuwelahan dahil sa kahihiyan, pero ang mga rapist niya ay malaya at nakakapasok sa eskuwela, kasi menor de edad.

Dahil sa nakikitang ganyan, namulat ang mata ng mga tao, at ngayon mayorya ang pabor na ibaba ang edad ng mga batang may pananagutang legal.

Kaya nga natawa kami nang ang unang-unang nagpahayag ng pagtutol sa panukalang batas ay si Dingdong Dantes. Sabi nga namin, comedian pala siya kasi natawa kami. Sinasabi niyang mali ang gobyerno kung gagawin iyan.

Naalala lang namin, noong panahong nakaraan, iyang si Dingdong ay naging commissioner ng National Youth Commission. Bakit nga ba noong panahong nasa kapangyarihan siya ay mukhang wala naman siyang ginawa para ilagay sa ayos ang mga kabataan, lalo na iyong gumagawa ng krimen na hindi nga matawag na kriminal dahil mga menor de edad.

Hindi kasi alam niyang si Dingdong ang problema ng bayan. Tumatayo ba siya sa kanto para maghintay ng sasakyan, at ang gamit niya ay ma-snatch ng mga batang hamog? May kaanak na ba siyang nakatuwaan ng mga istambay at binugbog nang walang dahilan? May kapatid ba siyang babae na kailangang mag-commute, ma-kidnap at ma-rape? Hindi niya nararanasan iyan eh. Artista siya eh. Mayaman sila, kaya hindi niya alam ang nangyayari sa ibaba. Tapos magsasalita siya nang ganoon? Hindi ba nakakatawa?

Talent search sinugod ng mga beki

Tawa rin kami nang tawa roon sa tsismis. Ang dami daw mga walang karapatan at maraming bading na nag-audition sa isang talent search ng isang network. Pero hindi ba talaga namang ganoon, kung sino iyong mga walang karapatan iyan ang mahilig sa audition, kasi “baka sakali” nga namang makuha sila.

Iyong mga may porma talaga, hindi dadaan iyon sa audition, kasi naghihintay iyon na kunin na lamang sila.

Pero ganyan talaga ang talent search. Noong araw ginagawa rin iyan ni Kuya Germs (German Moreno) doon sa That’s Entertainment. Ilan ba ang sinasabing walang karapatan doon noong araw, pero nang malaunan ay sumikat din. Ilan ding bading ang nanggaling sa That’s Entertainment na sumikat? Huwag ninyong sasabihing wala at mapapahiya kayo.

Kaya hindi ninyo masasabi na kung sa tingin ninyo ay walang K, o bading ay hindi na sisikat.

Gretchen hindi gumamit ng ‘power’ para sumikat

Hindi dahil sa ano pa man, noong 80’s hanggang 90’s, sikat na artista iyang si Gretchen Barretto.

Aminin natin na naging hit ang marami niyang mga pelikula noong araw. Iniidolo iyan ng mga kabataan. Naging crush iyan ng bayan, dahil maganda naman talaga siya. Walang ginamit na impluwensiya si Gretchen para makakuha ng projects at sumikat. Pinag-aagawan iyan ng film companies noong araw eh. At may panahong isa siya sa pinakasikat na female stars, iyong totoong sikat ha. Hindi iyong nagpapasikat lang. Wala naman, naalala lang namin iyan.

Kasi talaga namang noon, sikat si Gretchen.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with