^

Pang Movies

R-16 ng Born Beautiful wala masyadong cut!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

“Siguro kasi simple lang kasi request ko, se­cond version lang. Hindi ko na hiningi na i-overturn ‘yung dating classification!”

‘Yan ang sagot kahapon ni Direk Perci Intalan ng pelikulang Born Beautiful nang tanungin ko kung hindi ba sila nahirapang kumbinsihin ang MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) sa dalawang classifications ng pelikulang pinagbibidahan ni Martin del Rosario na nakatakdamg magbukas sa mga sinehan ngayon.

R-18 ang unang classification ng Born Beautiful at ‘yung R-16 classification version naman daw ay, “Walang tinanggal, may words lang na na bleeped, pero super konti lang,” sabi pa ni Direk Perci na sinundan niya ng, “BLEEPS lang! Buti na lang comedy movie kami kaya nakakatawa pa rin!”

Dumami rin ang mga sinehan nila at nationwide ‘yon mapapanood.

“So far 169 cinemas na, maglalabas kami ng list later once confirmed na yung iba,” sabi niya kahapon nang makatsikahan ko.

Samantala, ang extended version ng Born Beautiful ay mapapanood bilang isang series sa Cignal TV at malamang ay sa March magsimula ‘yon!

Richard at Sarah sinusulit ang bakasyon sa Palawan!

Mukhang super enjoy sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa Coron, Palawan dahil nang mine-message ko sila kahapon para tanungin kung hanggang kailan sila roon ay wala silang sagot.

Sunday pa sila umalis pa-Coron kasama ang mga anak na sina Zion at Baby Kai, pati ang parents ni Sarah, sina Abdel at Esther Lahbati, pero hindi pa sila nakakapagkuwento ng tungkol sa stay nila roon.

Birthday kasi ni Richard noong Monday, kaya sa lugar na ‘yon sila nag-celebrate.

Hindi nakasama sa kanila si Annabelle Rama dahil pumunta ito ng Cebu para sa Sinulog Festivals at si Eddie Gutierrez naman ay busy sa taping ng Cain at Abel na regular series niya sa GMA 7.

Anyway, mukhang ine-enjoy na ni Richard ang kanyang beach excapades ngayon dahil sa February ay sobrang busy na naman siya kapag nagsimula na ang taping ng bago niyang primetime series sa ABS-CBN na pagtatambalan nila ni Bea Alonzo.

Karen Gallman malakas ang laban!

Bale 83 official candidates ang maglalaban-laban aa grand coronation night ng Miss Intercontinental 2018 na gaganapin ngayong Saturday sa MOA Arena.

Malakas daw ang laban ng ating bet na si Karen Gallman.

Puwede naman daw masilat nina Miss Germany at Miss Paraguay si Karen.

Ang tatlong nabanggit ang sinasabing may pinakamatinding pag-asa na makakuha ng Miss Intercontinental 2018 crown sa Saturday.

Ice at Nyoy may pa-concert din sa Valentine’s!

Sina Ice Seguerra at Nyoy Volante ang star ng Acoustic Love Journey na pre-Valentine show ng Palacio de Maynila sa Roxas Boulevard on February 9.

Very supportive sa mga proyekto ng partner niyang si Ice si Liza Diño-Seguerra, kaya asahang darating doon ang FDCP (Film Development Council of the Philippines) chair para suportahan ang dating child star turned great singer!

Ang tickets ay available sa smtickets.com at si Anna Puno ng StarMedia Entertainment, Inc. ang may hawak ng production nito.

Si Anna rin ang producer ng Timeless Classics nina Martin Nievera at Lani Misalucha sa PICC on February 14 at kanya rin ang Hitmakers & Ai nina AiAi delas Alas, Hajji Alejandro, Rey Valera at Marco Sison sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila on February 15.

vuukle comment

BORN BEAUTIFUL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with