Manny at Jinkee nasalisihan ng mga magnanakaw!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 22, 2019 - 12:00am

Kaloka naman ang balita na ninakawan ang bahay nina Papa Manny at Mama Jinkee Pacquiao sa Los Angeles, California.

Nalaman ang krimen dahil nag-report sa police department ng Los Angeles ang mga kasambahay ng mag-asawa na hindi pa nakakabalik mula sa Las Vegas, ang venue ng successful fight ni Papa Manny kay Adrien Broner.

Iniimbestigahan na ng Los Angeles Police Department ang kaso. Ang initial report, may forced entry sa bahay ng mga Pacquiao at ni-ransack ang kanilang mga gamit.

Obvious na kumilos ang mga magnanakaw habang abala at aligaga ang Pacquiao family sa laban ni Papa Manny kay Adrien Broner.

Dahil iniimbestigahan na ang insidente, hindi pa umano pinapayagan ang kampo ni Papa Manny na pumasok sa bahay niya.

Kung may mga CCTV camera ang bahay ng mga Pacquiao sa Los Angeles, malaki ang posibilidad na matukoy ang identity ng mga kriminal, mali­ban na lang kung marunong sila na mag-disable ng mga camera.

Floyd Mayweather Jr. ‘di na interesado kay Manny?!

Hinamon ni Papa Manny si Floyd Maywea­ther Jr. na magkaroon ng rematch pero tumanggi ang American boxer.

Ang BFF ni Mayweather Jr. ang nagsabi na hindi na interesado ang boxer na labanan uli si Papa Manny dahil retired na siya.

Mas gusto pa raw ni Mayweather Jr. na ma­ka­trabaho si Papa Manny kesa ulitin ang boxing fight nila na nangyari noong May 2015.

Ang sabi ng BFF ni Mayweather Jr., mas gusto nito na i-enjoy ang resulta ng mga pinagpaguran niya sa boxing.

Type rin umano ni Mayweather Jr. na tutukan ang kanyang mga negosyo at magbiyahe sa iba’t-ibang lugar. Wala na raw dapat patunayan ang American boxer na totoo naman dahil katulad din siya ni Papa Manny na wala nang dapat i-prove.

Imagine, tinalo ni Papa Manny sa boxing si Adrien Broner na mas bata kesa sa kanya? 29 years-old si Broner at 40 years old si Papa Manny pero ipinakita nito ang kakaibang lakas sa laban nila sa MGM Grand noong January 19.

Marion Aunor imbitado sa Grammy Awards

Tuwang-tuwa si Marion Aunor dahil invited siya sa 61st Annual Grammy Awards na magaganap sa February 10. Chance na ng anak ni Lala Aunor na ma-kita nang personal ang kanyang mga favorite singer na inspirasyon niya sa pagkanta at pagsusulat ng mga awit.

Tiniyak ni Marion na dadalo ito sa Grammy Awards dahil invited din siya noong nakaraang taon pero hindi niya napuntahan.

Malaking karangalan para kay Marion na maimbitahan sa event ng most  prestigious award-giving body sa buong mundo.

Inayos na ni Marion ang kanyang schedule kaya wala nang conflict sa paglipad niya sa USA.

Sa February 6 ang playdate ng Hanggang Kailan, ang pelikula nina Xian Lim at Louise delos Reyes. Si Marion ang kumanta ng theme song ng Hanggang Kailan, ang  Maling Pag-ibig, kaya sure na tapos na ang promo niya bago sumapit ang February 10.

Libreng-libre na si Marion sa pagrampa sa Grammy Awards sa February 10 na idaraos sa Staples Center, Los Angeles, California.

JINKEE PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with