Marian Rivera
Marian dalawang taong magpapahinga pagkapanganak
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - January 22, 2019 - 12:00am

Hindi pa man ipi­na­panganak ni Marian Rivera ang second baby nila ni Dingdong Dantes na lalaki ang gender, she is sure, walang kiyemeng inamin niyang willing siyang muling magbuntis kaagad for the third time.

Marian is due to give birth in the summer. An exciting happening which she and Dingdong look forward to, lalo pa sa kanilang panganay na si Zia Dantes, who is three years old.

Excited na raw si Zia na matawag na ‘ate’, na hindi pa naranasang ma-adress ni Marian, since only child siya.

Two years daw mamamahinga si Marian after giving birth para personal niyang maalagaan ang pangalawang baby, like what she did with Zia.

She keeps herself busy right now with her flo­wer shop on line, named Flora Vida.

She and Dingdong have recently set up a You Tube Channel too, called the Dantes Squad, kung saan nila ina-upload ang mga vlog tungkol sa kanilang pamilya.

Nadia tutok sa negosyo ng mga anak

At 46, though overweight, Nadia Montenegro still managed to look as pretty as when she was still a member of Mother Lily Monteverde’s Regal Babies.

Walo ang anak ni Nadia, pito ang babae at isa lang ang lalaki.

She happily revealed when she guested in Magandang Buhay kung saan ang mga host ay ang Regal Baby din na si Karla Estrada at sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros, that some of them have their own business, including Ynna Asistio na nag-attempt sana na maging artista rin tulad niya.

Hands on ang pagtulong niya sa mga anak sa kanilang negosyo. She, after all, ay may sariling pinamamahalaang eatery din, kahit ‘di niya lubusang tinatalikuran ang pag-aartista.

Nadia is in the cast of the series, Playhouse, topbilled by Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, Isabelle Daza and Carlo Aquino, among others.

Ocassionally, napapanood din siya sa mga pelikula, mostly produced by Star Cinema.

Widowed for years now from her love partner, the late Caloocan Ma­yor Macario ‘Boy’ Asistio, walang napapabalitang lovelife si Nadia sa kasalukuyan.

Well.

Heaven bagong leading lady ni McCoy!

Heartbreaker ang title ng bagong chapter sa long-running series, Wansa­panatym na pangungunahan ni McCoy de Leon. Leading lady niya ang fellow former Pinoy Big Bro­ther (PBB) housemate na si Heaven Peralejo.

Si John Lapuz ulit ang direktor ng nasabing serye, siya rin ang nagdirek ng Switch Be With You na pinagbidahan nina Barbie Imperial at Chai Fonacier.

Samantala, showing pa in theaters nationwide ang movie ni McCoy with Elisse Joson, ang Sakaling Maging Tayo.

No need to tell you that nightly, napapanood din si McCoy sa FPJ’s Ang Probinsyano, starring Coco Martin.

Almost daily din siyang nagpe-perform with his fellow Hashtag Dance Group, sa noontime show ng ABS-CBN, It’s Showtime.

Xian may natuklasan sa ugali ni Kim habang nasa bakasyon

Feeling ni Xian Lim, lalong silang nagkakilala ng kanyang girlfriend na si Kim Chiu when they went on tour in China for the holidays, which they both appreciate so much.

Halimbawa raw, natuklasan niyang may pagka-hyper si Kim, na controllable naman daw.

In his case raw, di niya alam kung ano ang natuklasan tungkol sa kanya ni Kim, na of course, gusto raw niyang malaman para mabigyan niya ng kaukulang pagbabago, kung kailangan.

Only 29 years old (Kim’s 28) di pa raw nila ser­yosong napag-uusapan ang tungkol sa paglagay sa tahimik. They are both focused sa kanilang trabaho.

Lalo na raw on his end, since in his soon to be released mo­vie, Hanggang Kailan, with ­Louise delos Reyes, he isn’t just an actor but a co-produ­cer, too.

In Xian’s bucket list are included na maging both a TV and movie director and a TV host too, like his idol, Luis Manzano.

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with