Marco leading man uli ni Anne sa bagong pelikula!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - January 22, 2019 - 12:00am

Level up na ang Viva star na si Marco Guma­bao bilang leading man ni Anne Curtis after ng blockbuster nilang movie na Aurora. Yes, si Marco ang leading man ni Anne sa coming Viva movie na Just A Stranger na ididirek ni Jason Paul Laxamana.

Eh sa pagsisimula ng bagong movie ni Anne, may chance na on-hold na naman ang plano niyang pagbubuntis, huh! Tapos, may series of concert pa siya sa Canada sa Marso ng Annekulit: Promise Last Na ‘To n Canada kaya naman, tiis-tiis muna ang asawa niyang si Erwan Heussaff.

Samantala, mabango naman si Xian Lim bilang leading man dahil after pairing with Louise de los Reyes sa movie nilang Hanggang Kailan, eh si Cristine Reyes naman ang makakaromansa niya sa Sigrid Bernardo film na Untrue.

Sumailalim na ang dalawa sa acting workshop at in fairness, swak naman ang chemistry nila. Ito yata ang movie na para sana kina Mark Anthony Fernandez at Claudine Barretto, huh!

Eh, tila single muli si Cristine kaya puwede na siyang makipagromansa kay Xian, dib a?

Bahay ni Manny sa L.A. bantay-sarado ng mga pulis!

Matapos manalo laban kay ­Adrian Broner sa Las Vegas at pabalik na ng Los Angleles, California, isang news report ang lumabas sa Twitter account kahapon ng ABS-CBN News na may naispatang mga pulis sa labas ng bahay ng Pambasang Kamao, Manny Pacquiao.

“As @mannypacquiao makes his way back to LA. Police are outside of his home. Apparently, it’s been robbed while he was out in Vegas. Few of Manny’s advance securities are now talking to investigators . via @SteveAngeles,” tweet ng news channel.

Anyway, after na talunin si Broner, nagpahaging din si Pacquiao na gusto niyang magkaroon ng rematch sa arc-rival niyang si Floyd Mayweather Jr.

MARCO GUMA­BAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with