Maine ipinagtanggol sina Ria at Arjo sa isyung gamitan!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - January 22, 2019 - 12:00am

Tama naman si Maine Mendoza nang ipag­tanggol niya ang “kaibigang” si Arjo Atayde at ang kapatid nitong si Ria Atayde. Mayroon kasing isang basher na nag-akusa sa magkapatid na nagkakaroon daw ng role dahil sa panggagamit kay Maine. Hindi namin alam kung ano naman ang basehan niya at nasabing ginagamit ng magkapatid si Maine para maisulong ang kanilang career.

Sabi nga ni Maine, hindi naman makakakuha ng trabaho sina Arjo at Ria kung wala silang talent. Kaya sila kinukuha dahil may nakikitang potentials sa kanila, na  dinugtungan pa niya na “ires­peto naman ninyo iyong pamilya nila”.

Tama naman si Maine sa sinasabi niya. Bakit nga ba kailangang bastusin niyang mga iyan kung sino man ang maging kaibigan niya? Bakit kailangang bastusin nila ang mga pinagsususpetsahan nilang mga nanliligaw kay Maine. Bakit hindi nila bastusin iyong hindi naman nanligaw na ipinipilit nila?

Hindi ba, parang wala naman sa ayos ang utak ng mga taong ganyan, at ang masakit nga lang dahil diyan sa social media, ang mga ganyang maling kaisipan ay kumakalat pa. Nakakakita pa sila ng iba pang mga tukmol na kumakampi sa kanila. Noong wala iyang social media, walang ganyan eh. Kaya kung iisipin mo, kasalanan din naman ng mga artistang nagbababad sa social media eh.

Noong araw kasi ang sinasabi nila, wala silang laban sa legitimate media, dahil hindi naman sila nagsusulat sa mga diyaryo, kaya iyong mga artista noong magkaroon ng social media, ang tingin nila ay nagkaroon sila ng advantage. Nagagamit iyan kahit na noong mga laos na, na hindi naman masyado nang napapansin ng lehitimong media. Kaya lang nauso naman ang bashing at ang masakit, ni hindi nila alam kung sino ang tumitira sa kanila dahil hindi nila kilala at kung saan-saan nanggagaling.

Kung sa bagay sa ganyang paraan lang natututo ng leksiyon ang mga tao.

Pinagbintangang bakla Piolo naghamon ng suntukan!

Isa pa rin naman iyang si Piolo Pascual. Nagbalita lamang siya sa social media na natapos na ang isang kumpetisyong sinalihan nilang mag-ama sa abroad, at may panibagong kumpetisyon silang haharapin dito sa Pilipinas.

Aba biglang namang su­mi­­ngit ang isang bastos na basher at nag-comment na “iyong mag-amang bakla”. Natural nagalit si Piolo na mabilis na sumagot nang “suntukan na lang tayo”.

Nagkahamunan kung saan sila magsusuntukan, wala rin namang nangyari.

Ang punto naman na­min diyan ay ganito. Artista ka eh. Piolo Pascual ka. Bakit ka papatol sa kung sinong tukmol na hindi mo naman kilala. Ano mawawala doon kung sakali man? Eh kay Piolo, baka masira ang mukha niya, o baka masira ang image niya, oras na pumapatol siya sa ganoong klaseng tao.

Netizens, mas mabilis pa sa ‘live telecast’

Nasa isang restaurant kami sa BGC at nanonood ng laban ni Manny Pacquiao sa pay per view. Wala silang tigil na kafa-flash sa screen na sila ay “live”. Pero natatawa kami eh, kasi mas mabilis pa ang updates na ginagawa ni Salve Asis sa aming chat kaysa sa sinasabing “live telecast”. Napapatanga na nga lang iyon kasama namin, kasi alam na namin ang kasunod na mangyayari sa laban.

Alam naman niya, hindi naman kami mang­huhula.

Hay naku iyang “live telecast” raket na iyan nga naman.

ARJO ATAYDE MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with