Sarah, 17 hours naghintay kay Matteo sa finish line?!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 22, 2019 - 12:00am

Early Sunday morning, January 20, nai-share ni Mateo Guidicelli ang katatapos nilang 2019 Boss Ironman Challenge sa Pagudpud, Ilocos Norte:

“We successfully and safely finished the 2019 BOSS IRONMAN Challenge!! Wow let me say it was one heck of and experience! We finished in 17 hours and 45 min. We took off from (San Fernando) Pampanga at 9:45pm (Saturday, January 19).  By 1am it started raining in Pagudpud all the way until 6am!! We were wet and freezing and that slowed down the pace for us. When sunrise came we started cooling down and enjoying the ride more.  The biggest challenge we faced was Sleep. We had to stop several times to take power naps.  It was nuts! But Definitely good ride! Thank you LORD for keeping us and all other riders safe!  A big thank you to our sponsors. And the best part was Sarah was at the finish line waiting for us!! THANK YOU!”

Meaning kung 17 hours 45 minutes tumagal ang race, ganoon ding katagal naghintay si Sarah Geronimo kay Mateo. Natulog kahit sanda-sandali si Matteo, si Sarah kaya natulog kahit konti?

Dingdong ibinuking kung kailan manganganak si Marian!

After the presscon ng mag-inang Marian Rivera at Letizia Dantes ng first TVC ni Zia na Marian Says Yes To Zia with Nido 3+ natanong din si Marian tungkol sa coming baby boy nila ni Dingdong Dantes.

Nakumusta ang coming baby nila ni Dong na hanggang sa ngayon ay hindi pa sinasabi ni Marian kung ilang buwan na siya at kung kailan ang exact date niya with the stork. Pero sa latest picture ni Marian, makikitang malaki na ang tummy niya, ng wala pa ring name na baby boy.  Nagbahagi ng ilang kuwento si Marian tungkol sa kanya.

Sa latest sonogram daw nito kita nang kamukha rin ni Dingdong ang baby boy nila.

“Naku, excited na kaming ipakilala sa inyo ang inyong baby boy,” sabi pa ni Marian.

Si Dingdong ang nagsabi nang huli naming makausap sa set ng Cain at Abel na napapanood gabi-gabi sa GMA-7 after ng 24 Oras, na March or April puwedeng magsilang na si Marian ng kanilang baby boy.

MATEO GUIDICELLI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with