^

Pang Movies

Jinkee ‘di na pinakikialaman ang pagreretiro ni Manny

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Jinkee �di na pinakikialaman ang pagreretiro ni Manny

Nagbago na ang pananaw ngayon ni Jinkee Pacquiao tuwing lumalaban si Manny Pacquiao, tulad na lang ng bago ang fight niya kay Adrian Broner kahapon. 40 years old na ang senador kaya gusto ni Jinkee na mag-retire na ang asawa. Pero ngayon ay ipi­nauubaya na niya sa Pambansang Kamao ang desisyon kung kailan bibitiw sa boksing at public service na lang ang konsentrasyon.

Base sa report ni Mariz Umali sa DZBB kahapon, saad pa ni Jinkee, si Sen. Manny ang nakaaalam ng kundisyon ng katawan. So kung matutuloy ang rematch nila ni Floyd Mayweather Jr. ay susuportahan na lang niya ang asawa.

Panalong-panalo na si Pacquiao sa laban nila ni Broner via unanimous decision.

Ang tanong ng ating kababayan eh, kailan naman nila mapapanood sa bansa ang laban ni Pacuiao?

AiAi hinihingan ng apo si Anne

Super-friend ang turing ni AiAi de las Alas kay Anne Curtis dahil hindi pa siya nakakalimutan ng aktres mula nang lumabas ang huli bilang anak niya sa series na Dyesebel.

Nag-guest si Anne sa isa sa ginagawang movie ni AiAi na Sons of Sabel ng Viva Films kung saan kasama rin niya ang artists niyang Ex Battalion. Binanggit din ng Comedy Queen sa Instagram post niya na mabuti ring anak si Anne dahil kaya super-work siya eh gusto niyang bilhan ng bahay ang Pinay na ina, hindi na nga lang nakapagpaalam si Anne kay AiAi dahil nagsimba siya. Pero may pangako siyang kung gusto niya uli siyang makasama eh game siya.

Wish ni Ai eh magkaroon na siya ng apo kay Anne.

vuukle comment

JINKEE PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with