^

Pang Movies

Louise at Xian maraming nadiskubre sa isa’t isa

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Louise at Xian maraming nadiskubre sa isa�t isa

Ayon kay Louise delos Reyes, biglaan lang daw napunta sa kanya ang project na Hanggang Kailan at hindi na sila nagkaroon ng chance ng leading man ni si Xian Lim na magkakilala muna prior to the shooting since ito ang first time na makakatrabaho niya ang aktor.

Una silang nagkausap daw ay sa flight nila pa­puntang Japan kung saan nila kinunan ang ilang mahahalagang scenes sa pelikula. Pero kaagad naman daw ay marami silang napag-usapan.

While shooting ay nakita raw niya ang pagka-gentleman ni Xian.

“Inalalayan niya ako sa mga eksena sa Japan and also, sobrang collaborative rin niya as an ar­tist, as an actor dito sa pelikula. Kasi, hindi lang siya ‘yung parang ‘o sige, direk, okay po.’ Meron siyang mga inputs. So, he’s very refreshing and very nice to work with,” sabi ni Louise.

Ayon naman kay Xian, at first daw ay nakakahiyang lapitan si Louise.

“Nakakahiya talaga, eh. Parang ‘paano ba?’ Hindi kasi siya masyadong nagsasalita nung umpisa. Pero as I got to know her, and as everyone got to know her, sobrang kalog pala ni Louise, sobrang open lang sa lahat, and nagbibigay din siya katulad nun’g binigyan kami ng freedom ni direk Bona (Fajardo) to explore sa character namin,” sabi ni Xian.

Hanggang Kailan is showing on Feb. 6 at bukod sa pagiging aktor ay co-producer din si Xian sa pelikula (under his XL8 Productions) with Viva Films and BluArt Productions.

Jo nagpasalamat

Hindi nagpahuli ang lovable Onanay lead star na si Jo Berry sa viral ngayon na ‘10 year challenge’ sa social media. Sa kanyang recent post sa Instagram, ibinahagi ng Kapuso actress ang kanyang litrato kuha sa loob ng GMA building.

Ayon kay Jo, kung ang iba ay picture nila 10 years ago ang pino-post, very proud naman niyang pinost ang photo niya 10 months ago kung kailan siya nagsimula bilang isang Kapuso.

Paliwanag niya, ito raw ang photo niya nung dumalo siya para sa story conference ng Onanay. Very proud and happy siya dahil hangga ngayon ay napapanood pa rin ito sa primetime at patuloy na humahataw sa TV ratings.

Nagpasalamat din si Jo sa lahat ng tumulong sa kanyang journey bilang isang artista lalo na sa kanyang fans at avid viewers ng drama series.

Samantala, lalong dapat tumutok sa Onanay simula Lunes dahil sa mas tumitinding mga tagpo at rebelasyon sa buhay ng mag-iinang sina Onay (Jo Berry), Natalie (Kate Valdez), Maila (Mikee Quintos).

Dingdong at Dennis ramdam ang nangyayari sa kanilang tandem

Masaya si Dennis Trillo na mas tumitibay ang pagkakaibigan nila ng kapwa Cain at Abel lead star na si Dingdong Dantes. Para sa Kapuso Drama King, mas nagma-mature raw sila sa pagdaan ng panahon.

Ayon sa kuwento ng aktor sa latest tsikahan with the press, mas nagiging hands on na raw sila ng Primetime King sa mga nagaganap sa kanilang set off-cam dahil mas natututo sila rito.

Dagdag pa ni Dennis, mas nagkakaroon silang dalawa ng oras para maka-bonding ang isa’t isa hindi tulad ng mga karakter nila na sina Daniel (Dingdong) at Elias (Dennis) na away-bati ang peg. Natutuwa si Dennis sa ‘development’ na ito ng kanilang tandem.

Pero kung sa totoong buhay, happy si Dennis sa mas tumatatag na friendship nila ni Dong, ganito rin kaya ang nararamdaman ng karakter niya sa GMA Primetime series? Abangan ang mas umaatikabong mga tagpo sa Cain at Abel gabi-gabi sa GMA Tele­babad.

vuukle comment

LOUISE DELOS REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with