^

Pang Movies

Mga palabas sa TV puro kabaklaan na

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ilang araw na naming napuna ang sinasabi ng mga lehitimong kritiko na ang telebisyon ay mukha ngang puro kabaklaan na lamang ang inila­labas. Hindi namin napapansin iyan dahil hindi naman kami nakakapanood ng telebisyon maghapon, hanggang noong isang araw na pinagtiyagaan namin ang maghapong telebisyon.

Nagsimula kami sa isang noontime show, na may contest ng kantahan ng mga bakla. Hindi open iyon sa mga lalaki at sa mga babae kung ‘di sa bakla lamang. Bukod sa pagkanta, naglalaitan din ang mga bading na contestants.

Nang matapos iyon, sumunod ang isang serye na ang kuwento ay bakla rin. Tungkol naman iyon sa isang lalaki na nagpabago ng kanyang kasarian, ibig sabihin isang transgender, na nang malaunan ay nakalaban pa ang kanyang asawa sa pag-ibig ng isang lalaki. Kung sa noontime show ay nagiging katatawanan ang mga bakla, sa serye sira rin ang image ng bakla na gumagawa ng lahat ng kalokohan, maging sa kanyang dating asawa masarili lamang ang pinag-aagawan nilang lalaki.

Nang gumabi, mayroon na namang isang sitcom na bagama’t hindi kabaklaan ang tema, may isang character na lalaking lumalabas na babae. Bakla pa rin.

Sinundan pa iyon ng isa pang drama tungkol sa naging pag-iibigan ng dalawang beki, matapos na sila ay iwanan ng mga babaeng kanilang unang minahal.

Sumisingit sa lahat ng shows ng nasabing network ang isang patalastas tungkol sa isang bagong show ng ka­bak­laan din. Kung titingnan mo, sa mag­hapong panonood naming iyon ng telebisyon, puro nga kabaklaan ang ­aming nakita.

Sinasabi nila, bahagi iyan ng “gay revolution”. Pero hindi mo masasabing sa lahat ng pagkakataon ay nagpapakita iyon ng magandang imahe ng mga bakla. Kung hindi sila kontrabida, ginagawa naman silang parang payasong katatawanan. Kung iisipin, dapat nga mag-protesta ang mga bakla sa mga ganyang klase ng palabas.

Sunshine bumalik ang ganda nang ma-inlove

Malakas ang loob ni Sunshine Cruz na ilabas ang kanyang picture na kuha noong nagsisimula pa lamang siya sa kanyang career noong 1994, noong siya ay 17 taong gulang lamang, at ikinumpara sa kanyang picture noong nakaraang taong 2018, kung kailan siya ay 41 years old na. Para kasi ng walang ipinagkaiba ang kanyang hitsura. Mukhang bata pa rin naman siya hanggang ngayon.

Pero ang tuksuhan nga, ano raw ang hitsura niya sa pagitan ng 1994 at 2018?

May panahon kasi noon na pumayat talaga si Sunshine, at nag-iba rin nga ang kanyang hitsura. Nagbalik lang ulit ang kagandahan ni Sunshine noong matapos na ang kanyang mga problema, at lalo nga ngayong muli na naman siyang na-inlove.

Mukhang iyon nga lang yata ang dahilan kung bakit parang natagpuan ni Sunshine ang “fountain of youth” sa kanyang mga larawang 24 years ang agwat. Maganda pa rin siya. Hindi siya kagaya ng ibang mga artista na nagmukhang pindangga noong magka-edad na, o tumaba at nagmukha nang aparador sa lapad.

Sa hitsura, talagang nakalalamang pa rin si Sunshine.

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with