KathNiel
Daniel nag-propose na kay Kathryn?!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - January 20, 2019 - 12:00am

Iba na ang umuugong na balita matapos na ang ermat mismo ni Kathryn Bernardo ang nag-post sa social media ng mga salitang “may nag-propose”. Alam naman natin, hindi man niya tukuyin kung sino ang nasa Japan ngayon.

Kung sa bagay, wala naman siyang sinabi kung anong proposal iyon. Puwedeng may nag-propose ng isang magandang trabaho, o isang magandang career move. Maaaring may nag-propose ng pagbabago ng diskarte sa career. Pero siyem­pre ang gustong isipin ng mas marami ay isang marriage proposal.

Kung sa bagay, matagal na rin namang mag-syota sina Daniel at Kathryn at inaamin na naman nila iyon sa ngayon. Nasa tamang edad na rin naman sila. Kung magpapakasal sila, puwede na at tiyak namang makakakuha sila ng parental consent dahil as it is, wala namang angal ang mga magulang nila sa kanilang relasyon.

Pero napaghandaan na ba nila talaga ang kanilang kinabukasan?

Kung magpapakasal na kasi sila at this time, dapat na ring asahan ang limitasyon sa kanilang career. Hindi na sila maaaring itambal sa iba. Alam naman ninyo rito sa Pilipinas, basta mag-asawa na, sira na ang ilusyon ng fans basta iba na ang partner. Hindi mo rin naman masasabing maaaring silang dalawa na lang ang magkasama sa lahat ng projects habang panahon. Hindi rin naman tatagal iyan kung ganyan. Pero kung napaghandaan na nila ang kinabukasan nila, kung may fall back position na sila bukod sa kanilang career, bakit nga ba hindi?

Kung talaga bang nagkakagustuhan, at sigurado na sila sa sarili nila eh, ano pa nga ba ang makapipigil kung magpakasal na sila?

Fans ni Maricel umaangal sa kanyang role sa General’s…

May mga fan daw na nagdaramdam na mukhang hindi nabigyan si Maricel Soriano ng importansiyang nauukol naman sa kanya sa kanyang mga proyektong ginawa recently. Tama iyon, lalo na’t kung iisipin na hindi lang magaling na aktres si Maricel kung di sikat din. Bakit nga ba siya tinawag na diamond star kung hindi?

Pero may isang reality na kailangan nating tanggapin. Doon sa ginawa niyang project, hindi naman siya ang bida talaga. Support lamang siya. Kahit na mas magaling siyang aktres kaysa sa mga bida, tanggapin na nating dito sa atin, ang ibinebenta ay iyong bida.

Tingnan ninyo si Nora Aunor, kung tawagin nilang superstar, pero support lamang siya ng isang baguhang artista. Ano ang aasahan mo, superstar publicity?

Indie film na may libreng screening, maling strategy ang ginamit?!

Tuwang-tuwa ang mga pralala ng isang indie film, dahil pinilahan daw ang single screening noon. Una, sinabi nilang “uncensored” version iyon.

Ikalawa, libre lang naman ang admission. Walang bayad ang panonood. Na­tural pipilahan iyon ng mga gays na interesado sa pelikula. Maling strategy iyan sa palagay namin. Kasi sino pa ang manonood basta nasa sinehan na sila eh napanood na iyon nang libre pa noong mga taong siyang market sana ng kanilang pelikula?

Mayroon bang hindi “beki” na manonood ng kanilang indie? Eh kung halos lahat ng mga beki nakapanood na, papaano pa? Iyong mga nasa parlor naman, hindi na nila kayang manood ng sine na halos tatlong daang piso. Hihintayin na lang nila ang download niyan.

KATHNIEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with