Pacman, mahilig mamigay ng dollar
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - January 20, 2019 - 12:00am

Ngayon na ang inaabangang Manny Pac­quiao-Adrien Broner boxing fight sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Ang bongga mo rin, Ateng Salve, dahil magkasama kayong manonood ni Manay Lolit Solis, huh!

Pareho-pareho tayong nasa Las Vegas na, pero hindi pa tayo nagkikita.

Anyway, may ilang mga Pinoy ako na nakilala na madalas na nagpupunta sa bahay ni Manny sa Los Angeles, California.

May kuwento sila sa sobrang pagiging generous ng ating Pambansang Kamao.

Kapag sila-sila na lang daw ang magkakasama sa bahay ni Manny ay nanonood sila ng NBA games.

Papipiliin daw ni Manny kung saang NBA team sila at kapag nanalo ang team na pinili nila ay may tig-$100 na premyo ang bawat isa.

Ang bongga talaga ni Manny, huh!

May time nga raw pala na dumalaw si Lovi Poe kay Manny at nakasabay nila ang sexy actress/singer at bait na bait sila rito.

Isa nga pala si Lovi sa mga celebrity na manonood ngayon ng Pacquiao-Broner boxing fight.

Miriam malapit nang manganak

Kahapon ay kapalitan ko ng private message sa Facebook si Miriam Quiambao-Roberto.

Kinumusta ko ang pagbubuntis niya.

“Lapit na Kuya Jun, 31 weeks na!” sabi ni Miriam.

Sa March ay due na ni Miriam at mukhang very healthy naman siya.

Makikita rin sa mga posting ni Mi­riam sa FB na madalas na siyang lumalabas ngayon.

Janine sipag-sipagan sa promo

Ang sipag-sipag ni Janine Gutierrez na mag-mall show para sa promotions ng romantic-comedy movie nila ni Enchong Dee, ang Elise na opening salvo ng Regal Entertainment, Inc. ngayong 2019.

Kung kahapon ay lagare siya sa SM City Sucat at Dasmariñas, mamaya naman, nasa Ayala Cloverleaf at SM Marilao siya.

Sipag-sipagan si Janine dahil happy siya sa magandang feedback sa trailer ng Elise.

Kahit nga alam naman ng marami na kay Rayver Cruz siya nali-link, matindi pa rin ang kilig sa tambalan nila ni Enchong sa Elise.

Sayang nga at mukhang may naunang commitments si Enchong dahil marami ang naghahanap sa kanya sa mall shows ng Elise at wala siya.

Pero may ibang schedule naman daw na masasamahan ni Enchong si Janine sa mall shows ng kanilang pelikula.

MANNY PAC­QUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with