^

Pang Movies

Xian ibinuko ang sikreto sa relasyon nila ni Kim

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Xian ibinuko ang sikreto sa relasyon nila ni Kim
KimXi

Nag-enjoy si Xian Lim sa recent out of the country trip nila ng girlfriend na si Kim Chiu sa China. Pero ang nakakatuwa, ibinuking ng aktor ang medyo nakakalokang ginawa ng aktres habang naroroon sila.

“I think, sa sobrang hyper niya, dumating sa point na mabilis si Kim mataranta. I mean dito sa (last) trip namin na ‘to, mayroon akong nakita sa kanya kasi, sobrang hyper niya, book siya nang book nang book, hanggang sa naka-book siya ng apat na tour na sabay-sabay sa oras na ‘yun,” kwento ni Xian nang makatsikahan namin sa presscon ng Hanggang Kailan.

Kaya nataranta raw si Kim dahil akala raw nito ay na-cancel na ang tour pero hindi pala. Kaya ang ending, apat na tour guides daw ang pumunta sa hotel nila at apat na kotse rin. Binayaran daw nila lahat ‘yun.

Siyempre, kahit paano ay nagkaroon daw ng diskusyon pero hindi naman daw sila nag-away.

“Hindi kami umaabot sa nagsusumbatan na kami,” aniya.

Siya raw ang taga-kalma at taga-chill sa relasyon nila ni Kim.

“Sino ang mag-a-adjust? Ako,” natatawa niyang sabi.

Kumusta namang girlfriend si Kim?

“Matagal na rin kami, and si Kim, sobrang lambing ni Kim. Ako, ‘yun talaga ang nahumaling ako kung baga sa pagkalambing niya.”

Nang tanungin kung ilang years na sila, ayaw niyang idetalye at basta ang sey lang niya, “a couple of years.”

Ano ang secret ng relationship nila?

“Open lang talaga kami sa isa’t isa. Hindi dapat nagtatago ng sikreto. Tapos, kung may hindi man pagkakaintindihan, pag-usapan na kaagad, tapusin na ‘yung issue na ‘yun. Huwag nang maghintay pa kasi sometimes, du’n nasisira ang isang relationship, eh,” he said.

Happy raw siya na finally ay naamin na rin nila sa publiko ang relasyon nila at pareho raw nilang desisyon ito.

Napag-usapan ang out of the country travel sa presscon dahil kinunan din ang Hanggang Kailan sa ibang bansa – sa Saga, Japan. 

Ayon kay Louise, first time niya sa Japan at napaka-memorable sa kanya ng trip na ito.

“Ang daming nagbukas na opportunity, ang dami kong realization sa sarili ko, and also, ang dami kong natutunan with Xian, with direk Bo (Bona Fajardo), sa lahat ng kasama namin sa Japan, ang dami. And meron kaming eksena na sana, abangan n’yo,” sabi ni Louise.

May intimate scenes sina Louise and Xian sa movie at ani Xian, 3-4 hours nilang pinag-usapan ng leading lady para kumportable nila itong magawa.

“Hindi lang siya basta inilagay lang sa storya, it’s really detailed at kinailangan talaga sa journey ng dalawa, sina Kath and Donnie (their characters),” sey pa ni Xian.

Sa Feb. 6 na ang showing ng Hanggang Kailan mula sa Viva Films, BluArt Productions, and XL8 Productions.

vuukle comment

XIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with