Kris
Away nina Kris at Nicko patapos na sana, Gretchen nakisali pa kasi
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 20, 2019 - 12:00am

Kaloka ha? Ang akala ko, pawala na ang mga isyu tungkol kay Kris Aquino dahil pinagpistahan nga ang away nila ng Falcis brothers na sina Nicko at Jesus.

Hindi pa pala the end ang kontrobersya dahil nag-join na rin si Gretchen Barretto.

Kahit nasa Las Vegas ako para panoorin ang laban nina Papa Manny Pacquiao at Adrien Broner, mabilis na nakarating sa akin ang mga sinabi ni Gretchen sa kanyang IG live noong Biyernes nang gabi.

Naloka ako dahil malapit sa puso ko ang isang tao na binanggit ni Gretchen sa kanyang mga emote laban kay Kris.

Hindi pa naman sanay sa eskandalo ang tao na tinutukoy ko kaya worried ako para sa kanya. But knowing her, tiyak na malalampasan niya ang isyu na pinasabog ni Gretchen.

Mga nag-aabang ng laban ni Pacman may countdown na

At dahil nabanggit ko na rin ang laban nina Papa Manny at Adrien, heto ang latest update mula sa GMA-7 para sa mga gustong panoorin ang boxing match na magaganap ngayon sa MGM Grand, Las Vegas.

Excited na ang mga Pinoy sa laban ni Papa Manny kay Adrien ‘The Problem’ Broner para sa WBA Welterweight title.

Usap-usapan na ang laban na mangyayari kaya naman may kanya-kanya na silang pa-countdown, ha! Kahit nga sa Las Vegas ito magaganap, thankful ang karamihan dahil masasaksihan pa rin ang laban sa GMA-7 simula 10 ng umaga.

Abangan din ang exclusive blow-by-blow coverage ng Pacquiao-Broner fight sa Super Radyo DZBB 594 at sa lahat ng Super Radyo stations nationwide simula 9 AM hanggang 1 PM.

May replay na magaganap sa gabi sa GMA Sunday Night Box Office (SNBO).

Starstruck umpisa na

The long wait is over mga Kapuso, dahil simula bukas, Lunes (Enero 21), magsisimula na ang auditions para sa pagbabalik ng Starstruck, ang original reality-based artista search sa bansa.

Para sa mga interesado na lumahok sa 7th season ng programa, sugod na sa GMA Annex Building sa Quezon City simula 10AM hanggang 6PM.

Dalhin lang ang original at photocopy ng inyong mga birth certificate at dalawang recent photo (isang close-up at isang full body).

Para naman sa mga nagnanais sumali na wala pang 18 years old, magdala rin  ng certification na may pirma ng inyong mga magulang o legal guardian at isang photocopy ng ID nila. Ano pang hinihintay ninyo, mga Kapuso? Dream, believe, survive!

Martin nabawasan ang kaba

Sinuportahan pala ng GMA-7 executives ang uncensored screening ng Born Beautiful sa UP Cine Adarna noong Biyernes nang gabi.

Maligayang-maligaya si Martin del Rosario dahil pinuri ng audience ang acting niya sa pelikula na showing sa mga sinehan sa January 23.

Ang sabi ng mga nanood, effective at napakaganda na gay ni Martin na hindi nagkamali sa desisyon nito na tanggapin ang offer, kesehodang pagdudahan ang sexual preference niya.

Kahit papaano, nabawasan ang kaba na nararamdaman ni Martin dahil sa positive feedback at reviews na nakarating sa kanya.

Normal lang na kabahan si Martin dahil siya ang bida sa Born Beautiful kaya nakasalalay sa kanya ang tagumpay ng biggest movie niya.

KRIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with