Jake waging best actor sa unang theater play
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - January 19, 2019 - 12:00am

Wow naman Salve A., sa recent report ni Jake Cuenca sa kanyang social media account na Instagram, he was named Best Actor (Play) and Best Crossover Artist (Mainstream to Theater) for his initial performance in a theater play, Lungs.

 

Hindi naman na ito nakakagulat dahil he is one of the few actors of his generations who really excels as an actor.

Kitang-kita ang ebidensiya sa performance niya sa kanyang ongoing series na Los Bastardos kung saan katrabaho niya rin sina Marco Gumabao, Joshua Colet at Albie Casiño at Ronaldo Valdez.

Nasa cast din sina Ritz Azul, Marijoy Apostol, Mica Javier, Jane Oineza, Maxine Medina, plus Kylie Versosa, na sinasabing current love of Jake’s life.

Nandoon din ang veteran performers na sina Perla Bautista, Lito Pimentel, Jeffrey Santos, Joyce Burton, Isabel Rivas, Pinky Amador at Rosanna Roces.

Ryza matagal hinintay ang role sa The General’s…

Hindi tulad ng role niya sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano na kung saan ay isa siyang mabait na anak ng presidente, ang role naman ni Ryza Cenon sa seryeng The General’s Daughter na pinagbibidahan ni Angel Locsin ay masama.

She plays an adopted daughter of the characters played by Albert Martinez and Eula Valdez. Naiinggit siya kay Angel nang maka-close nito ang mga magulang sa nasabing serye.

“I welcome the role,” ani Ryza. “And I feel challenged. Ito ang matagal ko nang hinangad bilang artista. Ang mapatunayan na I can be entrusted with any kind of role.”

Ryza started her showbiz career in 2004, when she joined the Starstruck Talent search.

She is now 31 years old.

Sayang at wala si Ryza sa presscon ng The General’s Daughter. We could have asked her if permanente na ang break-up nila ni Cholo Barretto.

Tulad ni Ryza, nasa cast din ng The General’s Daughter si Cholo. His role, though, is not as extensive as that of Ryza.

Toni naghahanda na para sa MMFF 2019!

Did we hear it right that this early, nagpa-plano na si Toni Gonzaga na sumaling muli sa Metro Manila Film Fest (MMFF) 2019?

Na-inspired yata siya sa kanyang entry for her own film firm na TinCan Productions, ang Mary, Marry Me na nakapasok bilang pang-apat sa top grossers ng MMFF 2018.

Ang tatlong iba ipa ay Fantastica, Jack Em Popoy: The Puliscredibles at Aurora.

Mary, Marry Me is Toni’s concept. She had the two characters, supposedly sisters na ang isa ay para sa kanyang younger sister na Alex Gonzaga. Tamang-tama lang naman dahil umakma ito sa kanila.

It was her husband, producer-director Paul Soriano, who owns Ten17 Productions who suggested that she gets Sam Milby for the male lead cha­racter. Choice din ni direk Paul na si RC delos Reyes na kanyang assistant sa kanyang production ang kunin ni Toni para mag-direk ng kanyang entry.

No need to tell you that it was, direk Paul who suggested TinCan (read: Tin Can) that name of her production.

The rest of course, his history.

Well, wala pang tiyak na figure kung magkano ngang talaga ang kinita ng Mary, Marry Me. Pero, tiyak, ‘di lang ito break even. Kung hindi, more.

In that case, nakakasiguro na ng bonus si Alex from her Ate Toni.

Hingan na rin niya ng birthday gift si Toni.

Alex turned 31 last January 16.

JAKE CUENCA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with