AiAi de las Alas
AiAi hinulaang tungkol sa anak
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - January 18, 2019 - 12:00am

Naiyak si AiAi de las Alas sa pahayag ng isang babaeng nakasabay niyang bumisita sa pagbisita nila ng asawang si Gerald Sibayan kahapon sa Black Nazarene na lagi niyang pinupuntahan.

Tatlo lang sila ng babae (na Ate ang tawag niya) na kasama ni Ai sa picture na pinost niya sa Instagram kasama ang kanilang usapan.

“Ai, maganda ka pala sa personal (na naman haha pangit ba ko sa TV at movie). Lam mo ibibigay ni apu kahilingan mo na anak.

“AiAi: (tahimik na naluluha) talaga ate paano mo naman nalaman na yan ang pinagdadasal ko? Basta ayoko na isipin masaya akong umuwi kasi alam kong iga grant ni Lord lahat...etong bf ko at asawa dami sinasabing hashtag saken nakakatawa pero pag nilagay ko eh hindi magiging maganda hahaha...#thankingGod #apuisthebest #miraculousAU #iloveapu,” caption ni Ai Ai.

Open naman si AiAi na kahit sa tulong ng siyensiya eh gagawin niya para magkaroon ng anak kay Gerald.

Eh pagdating naman sa career, walang tigil ang grasya sa Comedy Queen na tinatapos ang dalawang movies ngayon, ang Fillenials na produced ni Pops Fernandez at ang Sons of Sabel under Viva Films.

Alden at Jennylyn nagtapatan sa bunong braso!

Kinuha ni Dr. Vicki Belo sina Alden Richards at Jennylyn Mercado para sa promo nitong Belo Arm Wrestling Challenge o bunong braso! Sa isang photo mula sa GMA Artist Center, nagpasampol sina Alden at Jen sa challenge na ‘yon na umani naman agad ng halos 150 liikes.

Kung hindi kami nagkakamali, ngayon lang nagkaroon ng ganitong collaboration ang Ultimate Star at Pambansang Bae. They look good too na magkasama kaya puwede rin silang magsama sa series, huh!

After Janine Gutierrez at Andrea Torres sa nakaraang series ni Alden na Victor Magtanggol, isa si Heart Evangelista ang gusto rin niyang makapareha soon, huh!

AIAI DE LAS ALAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with