Relasyon nina Kim at Xian, kinontra!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - January 18, 2019 - 12:00am

Ipinagtapat ni Xian Lim na bago pa man niya maging girlfriend si Kim Chiu ay napakarami nang nag-discourage sa kanya na huwag itong i-pursue dahil hindi siya magugustuhan nito. At marami rin daw taong ayaw sa kanya para sa aktres.

“But you know, susundan mo lang talaga ‘yung nararamdaman ng puso mo,” ani Xian sa kanyang guesting sa Magandang Buhay last Wednesday.

Nakakatuwa rin ‘yung pagtatapat niya na nagising na lang daw siya isang umaga na in-love na siya kay Kim.

“Naalala ko pa ‘yung exact day, napaginipan ko siya, then I woke up na sabi ko, ‘grabe, mahal ko na ‘tong taong ‘to,’” ani Xian.

At nung bago pa lang daw sila ni Kim, hindi pa rin matapus-tapos ang pagtutol sa kanya at mga akusasyong ginagamit lang niya si Kim para magkaroon ng career.

Sey pa niya, sabi pa raw niya kay Kim noon, “kasalanan ba ‘tong nararamdaman ko para sa ‘yo?”

At napagtagumpayan naman nila ang mga intrigang ito dahil ani Xian, “he we are now, years later and we’re still together. We’ve overcome so many obstacles already. Sabi ko nga, kung kasalanang magmahal, eh di makasalanan akong tao.”

Kitang-kita naman sa mukha ni Xian na masa-yang-masaya siya ngayon sa piling ni Kim.

“It feels good na after so many years na nagkukuwentuhan tayo dito na ‘okay lang po kami,’ ‘masaya po kami,’ ang saya lang na we’re just enjoying everything right now.”

Janine pinangarap ang ginawa nila ni Enchong

Aminado si Enchong Dee na medyo nailang siya sa kissing scene nila ni Janine Gutierrez sa pelikulang Elise simply because friend niya ang rumored boyfriend ng aktres na si Rayver Cruz.

“Na-akward ako ng konting-konti. Sinabi ko naman ito sa kanya (Janine), eh. Parang you’re kissing the special person of your best friend,” pahayag ni Enchong sa presscon ng Elise.

“But I know for a fact that he’s very supportive,” dagdag pa ng aktor.

Kuwento naman ni Janine, pagkatapos nga raw ng eksena nila ay nagbiro si Enchong ng “I think I lost a friend,” kaya nagtawanan daw sila.

Pero sa kanya naman daw ay walang naging problema at nakatulong din daw na naging kaibigan na niya dati si Enchong kaya kumportable siya.

Bukod dito, ani Janine ay sobrang happy siya na makagawa ng ganitong klaseng pelikula. Romantic-comedy ang movie pero wala pa raw siyang nakikitang ganitong story tulad ng Elise.

“Ito ‘yung pinapangarap ko talaga na kwento na magawa,” sabi ni Janine.

“It’s a fresh kind of rom-com kasi hindi lang siya about love, it’s also about getting to know yourself para sa akin, tungkol din siya sa moving on, tungkol din siya sa mga tao na dumadaan sa buhay mo na hindi mo alam kung magi-stay ba sila or sinusubukan lang ituro sa ‘yo ‘yung universe. I think, ibang klaseng pelikula ito,” she said.

Showing na sa Feb. 6 ang Elise mula sa direksyon ni Joel Ferrer under Regal Entertainment.

KIM CHIU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with