Sino kaya ang nagpapatakbo? Nora may Facebook na?!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - January 18, 2019 - 12:00am

May Facebook account na Nora Villamayor at ang profile picture ay ang Superstar na si Nora Aunor.

In real life, Villamayor talaga si Mama Guy.

Nag-Friend-request sa private FB account ko ang account na ‘yon at kasama sa friends list niya ang mga ka-FB ko rin na sina Snooky Serna, Direk Joel Lamangan, ikaw Ateng Salve, at iba pa.

Pero may duda talaga ako sa account na ‘yon, kaya tinanong ko ang isang da­ting malapit sa kanya kung kay Mama Guy nga ba ‘yon?

“Mukhang gawa-gawang account lang ng isang fan at hindi naman talaga Kay Guy. Pati nga sa akin, nagpapa-add,” sabi ng kausap ko.

‘Yung kausap ko ay dating malapit talaga kay Mama Guy, pero may tampuhan sila at kung ‘yon ang pagbabasehan ko, lalo tuloy kaduda-duda ang FB account na ‘yon dahil bakit naman magpapa-add si Mama Guy sa isang katampuhan niya?

Pero sabi naman ng isang entertainment press na malapit kay Mama Guy, FB account daw talaga ‘yon ng Superstar.

Well...

Samantala, smooth naman ang trabaho ngayon ni Mama Guy sa primetime series ng GMA-7, ang Onanay.

Walang naririnig na negative na bagay pagdating sa bagay na ‘yon at well-loved daw ng kanyang co-stars at staff ng Onanay si Mama Guy.

Ayun sa isang taga-Siyete, mukhang magtatagal pa raw ang Onanay dahil wala pa naman daw ina-announce ang big bosses ng Kapuso network kung hanggang kailan na lang ito at tuluy-tuloy pa rin daw ang taping nila at maganda rin ang ratings nila.

Elise may pasabog!

Kahit nasa magkabilang TV networks sila, masaya sina Janine Gutierrez at Enchong Dee ba nagkatrabaho sila sa Elise, ang opening salvo ng Regal Entertainment, Inc. for 2019.

Nagkatrabaho na raw sila noon, pero mas magaan daw itong Elise.

Sa tingin ko rin ay mas naging close ang dalawa while working sa Elise.

Todo-publicity and promotions nga pala si Mother Lily Monteverde sa Elise at masaya raw siya sa feedback ng mga nakakausap niya tungkol sa trailer ng pelikula.

Actually, sa simula pa lang ay maganda na ang dating kay Mother Lily ng Elise dahil sisimulan pa lang nila ang pelikula ay may big announcement na sila para roon.

“If you will watch the movie, mai-in love ka rin,” sey ni Mother Lily dahil tungkol nga sa love ang Elise.

Of course in real life, alam na alam natin ba inlove si Janine kay Rayver Cruz!

Laplapan ni Martin kina Kiko at Akihiro pinag-iinitan

Ngayon ang special one-time-only uncensored version screening ng Born Beautiful na pinagbibidahan ni Martin Del Rosario sa up cine adarba sa up diliman campus.

Invitational ang screening na ‘yon, pero napakarami raw ang gustong makapanood at limited lang daw ang tickets.

Noong bago ako umalis pa-Amerika para sa Manny Pacquiao-Adrien Broner boxing fight na magaganap sa MGM Grand Garden Arena tomorrow (Sunday sa Philippines), nakausap ko ang direktor ng Born Beautiful na si Perci Intalan.

According to direk Perci nga, napakarami talaga ang nagre-request ng tickets for that special screening, pero limited nga raw ang tickets.

Mapanindigan kaya ng group ni direk perci ba one-time-only ang uncensored screening ng Born Beautiful?

At kapag ipinalabas na sa mga sinehan ang Born Beautiful starting January 23, maging box-office hit kaya ‘yon?

Ang alam ko, marami ang interesadong mapanood ang pakiki-paglaplapan ni Martin kina Kiko Matos at Akihiro Blanco sa pelikulang ‘yon, huh!

‘Yun na!

NORA AUNOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with