Iza hinihingan na ng baby ng mister
VEROFIED - Veronica Samio (Pang-masa) - January 18, 2019 - 12:00am

Kahit hindi makagawa ng sked dahil sa sobrang kabisihan ng bagong kasal na sina Iza Calzado at Ben Wintle, least of their worry na ito as long as they have started their journey as husband and wife. Wala na marahil makapagbibigay sa kanila ng kaligayahan kaysa ang kanilang complete union. Malaking help din kung magkakaro’n  sila ng anak na hindi akalain ng magaling na aktres at bagong bride ay siyang magiging first request sa kanya ng kanyang brand new husband. Kahit isa lamang muna pero, hiling nitong magkaanak sila agad, na mapapahindian ba ni Iza? Syempre, hindi dahil nangangarap na rin siya na magkaro’n ng isang buong pamilya.

Samantala, ending na today ng Ngayon at Kailanman na kung saan ay nakitang muli ang kagalingan ng aktres sa pag-arte. Sa kabila ng pinangungunahan ang serye nina Joshua Garcia at Julia Barretto, at sa kanila nakatuon ang pansin ng mga manonood, nagawa ni Iza at maging ni Alice Dixson na mai-assert ang mga sarili nila with their performance.

Erich, Enchong at Janine, inaabangan sa mga pelikula

Dalawa sa pinakakaabangang pelikula ngayong buwan ng January at February ang We Will Not Die Tonight ni Erich Gonzales at Elisse nina Enchong Dee at Janine Gutierrez. Mag-isa lamang si Erich sa movie niya na magpapakita ng kanyang husay sa paggawa ng mga maaaksyong eksena. Excited nga ang manonood na malaman kung kinaya niya ang mga nasabing pisikal na mga eksena na naglagay sa kanyang buhay sa panganib. Keri ba niyang maging female action star at makalaban si Anne Curtis bilang Reyna ng Aksyon sa Pelikula?

Interesting din yung Elisse nina Enchong at Janine, na kumuha ng inspirasyon sa isang tunay na pangyayari. May chemistry nga ba ang mga artista ng dalawang mortal na magkalabang network? Nagawa ba ni Joel Ferrer na mapakilig ng manonood sa tulong ng mga artista niya? Let’s all find out.

Eddie at Jaclyn, magpapasiklaban sa artehan

Ayaw papigil ni Eddie Garcia at patuloy sa pagtanggap ng mga projects na nagkakasunud-sunod na. After nilang magpaiyak ni Gloria Romero, si Jaclyn Jose naman ang makakalaban niya sa pag-arte sa Son of God. Proyekto ito ng IdeaFirst Company nina Jun Robles Lana at Perci Intalan. na siyang gumawa ng pinag-uusapan ngayong Born Beautiful. Sa kanyang edad isa pa ring malaking threat ang beteranong aktor sa umaasam na mag-best actor. Malakas na laban pa rin ang ibinibigay sa kanila ni Eddie.

IZA CALZADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with