Janine Gutierrez
Janine lalagyan na ng label ang relasyon nila ni Rayver
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 18, 2019 - 12:00am

Last Holiday seasons, hindi naman ikinaila ni Janine Gutierrez na kasama niya ang rumored boyfriend niyang si Rayver Cruz. One week sila nag-stay sa Los Angeles, California kasama ang family ni Janine, ang Daddy niyang si Ramon Christopher at mga kapatid niya. Biro namin kay Janine sa mediacon ng bago niyang movie sa Regal Films, ang Elise, bakit ba ayaw pa nilang aminin ang totoo nilang relasyon.

“Siguro po dahil may pumipigil pa pero ngayon okey na,” nangingiting sagot ni Janine. “Siguro po kahit two years na rin kaming exclusively dating, time na rin para lagyan namin ng right label ang relasyon namin. Noon po kasi parang pinipigil ko pa ang sarili na muling magseryoso na dahil nagkaroon na rin po ng experience in the past. Pero ngayon after two years, siguro pwede na po muling magser­yoso. Ipapaalam ko sa inyo kug kailan ko siya sasagutin,” biro pa ni Janine.

Ang Elise ni Janine na katambal si Enchong Dee ay isang biopic romantic comedy movie na nagsimula noon pa mang mga bata sila pero nagkahiwalay sila at parehong inuna ang kanilang studies. Muli silang nagkita noong mga teenagers na sila, mabuo pa ba muli ang pagmamahalan nila? Based on a true story ang Elise mula sa friend ni Direk Joel Ferrer, kaya talagang may pinagbasihan sila sa mga situations sa story.

Pre-Valentine presentation ng Regal Entertainment ang Elise na mapapanood na simula sa February 6, in cinemas nationwide. The movie also stars Miko Raval, and introducing Victor Anastacio, Miel Espinosa and Laura Lehmann.

Onanay extended pa

Masaya ang cast ng Onanay dahil nalaman nilang extended pa ang kanilang drama series na nagtatampok sa little people na si Jo Berry as Onay, kasama pa rin sina Ms. Nora Aunor, Cherie Gil, Gardo Versoza, Rochelle Pangilinan at gumaganap na mga anak ni Onay ang mga young stars na sina Mikee Quintos at Kate Valdez.

Madalas ang away nina Kate as Natalie/ Rosemarie at Mikee as Maila. Ano ang na­ramdaman ni Kate na tuluy-tuloy pa rin ang story ni Natalie/Rosemarie?

“Hindi ko po in-expect na tatagal pa ang character ko kasi madalas akong ma-bash ng netizens dahil sa masama kong ugali laban sa nanay ko at sa sister ko. Ang totoo po, nahihirapan ako sa character ko dahil hindi naman ako ganoon sa totoong buhay. Kaya thankful po ako kay Nanay Gina (Alajar) at Miss Ann Villegas, ang acting coach namin. Off  camera po super ok kami ni Mikee, never kami nagkatampunhan kahit kung minsan, ay nagkakasakitan kami sa eksena. That’s part of our work.”

At 18, wala pang boyfriend si Kate, bakit?

“Hindi ko po pwedeng pagsabayin ang lovelife at career.  Mas focus po ako sa career kaysa mag-boyfriend.”

JANINE GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with