^

Pang Movies

John Lloyd at Piolo muntik nang maging ‘magkapatid’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
John Lloyd at Piolo muntik nang maging �magkapatid�

May nagkuwento sa akin na muntik na pala na maging contract stars ng TV5 sina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz noong namamayagpag ang Kapatid Network.

Hindi natuloy ang pag-oober da bakod ng dalawa dahil umiral ang loyalty nila sa ABS-CBN.

Hindi lang ako sure kung true na P200 million ang asking price noon ni John Lloyd sa TV5.

Malaking halaga ang P200 million. Kung natuloy siguro ang paglipat ni John Lloyd sa TV5, secured na secured na ang kanyang future at baka napaaga pa ang pagtalikod niya sa showbiz.

Gay actor nagkatotoo ang hula sa nakatsugihan!

Consistent ang kuwento ng gay actor na nagkaroon sila ng one-night stand ng aktor na macho ang panlabas na kaanyuan pero kapwa mhin din ang gusto.

Ang kuwento ng gay actor, paminta o nagpapanggap pa lang siya na tunay na lalake nang magka­tsugihan sila ng aktor na baguhan pa lamang noon sa showbiz.

Ambisyoso ang aktor kaya natupad ang dream nito na maging artista at magkaroon ng name sa showbiz pero alam ng gay actor ang lihim niya.

Nang magkaroon ng aktres na girlfriend ang macho actor, knows ng gay actor na hindi magtatagal ang relasyon ng dalawa dahil alam niya ang the truth and nothing but the truth.

Parang manghuhula ang gay actor dahil naghiwalay nga ang macho actor at ang aktres na dyowa nito.

Hindi na nagkikita ang gay actor at ang macho actor kuno pero pina-follow nito ang social media accounts ng una. Dedma ang gay actor na hindi nag-aksaya ng panahon na i-follow back ang macho actor dahil hindi na nga siya interesado na magkaroon ng part 2 ang kanilang one-night stand na hindi naman memorable para sa kanya.

Martin kinukulit pa rin tungkol sa totoong kasarian!

Hindi na dapat kinukulit si Martin del Rosario tungkol sa sexual preference nito dahil what you see is what you get.

Kung ano ang mga sagot ni Martin, ‘yun na lang ang paniwalaan. Tigilan na ang mga pangu­ngulit sa kanya dahil paulit-ulit na lang ang isyu.

Nauungkat na naman ang pang-iintriga sa sexual pre­ference ni Martin dahil showing na next week ng kanyang controversial movie, ang Born Beautiful.

Babaeng-babae si Martin sa kanyang mga eksena at kung tunay na girl siya, isa siya sa pinakamaganda dahil sa malaking pagkakahawig niya kay Dawn Zulueta.

Kinakabahan na si Martin dahil huhusgahan na ang kanyang performance bilang transgender woman sa Born Beautiful.

Si Martin ang ipinalit kay Christian Bables bilang lead actor ng Born Beautiful. Dapat ihanda ni Martin ang sarili dahil sure na ikukumpara ang acting niya sa performance ni Christian sa Die Beautiful.

Teka, nasaan na nga pala si Christian? Hindi na siya na­raramdaman pagkatapos ng pagbibida niya sa Signal Rock.

Marami ang nanghihinayang dahil pinakawalan ni Christian ang Born Beautiful dahil afraid siya na ma-typecast na transgender woman.

Maraming mga aktor na tunay na lalake na gumanap na bading sa TV at pelikula pero hindi sila natakot na ma-typecast sa gay roles dahil kilalang-kilala nila ang mga sarili.

Namumuhay na ngayon si John Lloyd bilang ordinaryong mamamayan ng Pilipinas at marami ang bilib sa kanya dahil nagawa niya na iwanan ang fame, kapalit ang simple na pamumuhay.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with