^

Pang Movies

Vice mahirap pabagsakin!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Vice mahirap pabagsakin!
Vice Ganda

Iyong sasabayan mo ang isang malakas na TV show, tapos hindi ka naman sigurado sa ilalaban mo, aba eh matatawag na ngang suicide iyon. Aminin na natin ang katotohanan, natatantiya mo naman ang lakas ng kalaban mo eh. Minsan susugal ka, kung akala mo matindi rin ang ila­laban mo, pero kung pumalpak ka, sorry. Mahirap labanan ang isang malakas na TV show.

Isang magandang example iyong Eat Bulaga. Tingnan mo ang content ng show, hindi mo naman masasabing matindi. Ka­yang-kayang gawin iyan ng kahit na sino pero ang mahirap kalabanin diyan ay iyong mahigit tatlong dekada nang nakasanayan ng tao na pinanonood iyan, kaya ang tumatapat sorry.

Ganoon din naman iyong FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin. Tatlong taon nang maintained ang ratings niyan. Lahat ng inilaban diyan, bagsak. Ang dapat hintayin na munang magsawa ang tao at saka ka maglabas ng alas mo. Gumawa ka muna noong kahit na walang masyadong commercials ay makakabawi.

Ngayon may bago na naman. Tinatapatan ang show ni Vice Ganda. Ano man ang sabihin ninyo, mahirap tapatan ang show ni Vice Ganda. Una, sino ang personalidad na maipantatapat ninyo kay Vice Ganda? Sa ngayon wala eh.

Kung kami iyan, ang itatapat namin kay Vice ay iyong komed­yanteng matindi rin ang utak. Baka puwede pa si Joey de Leon ang ilaban mo diyan. Iba rin ang utak ni Joey eh. Pero kung ang ilalaban mo kay Vice ay iyong ang style ay kagaya rin noong mga comedy bar jokes, lalamunin ka ni Vice.

Huwag na ninyong isipin ang gag writers ni Vice, iyon lang nakasanayan na ng mga tao na kung ilang taon na siyang pinanonood nang ganyan, at nakita naman ninyo matitindi rin ang guests niya kung kinakailangan, suicide na lang kayo.

Pelikulang indie ayaw talaga?!

Hindi rin namin maintindihan ang mentalidad niyang gumagawa ng mga indie. Siguro napatunayan na nila ang kanilang punto, na makakagawa ng isang pelikula na maliit lang ang puhunan. Napatunayan na rin naman sa pagdaraan ng panahon, ayaw ng Filipino audience ng mga ganyang klaseng pelikula. Ayaw nila ng mga pelikulang binarat ang produksyon. Ayaw nila noong hindi nila kilala ang artista. Ayaw nila noong ang mga artista ay hindi uso.

Kaya nga may sikat na artista eh, kasi iyon ang gustong mapanood ng mga tao. Kung hindi sikat, ayaw nilang mapanood iyon. Iyan ang dahilan kung bakit walang makuhang sinehan iyang mga indie. Aba eh nalulugi ang sinehan sa kanila eh. Sinasabi nila, “huwag naman puro kita ang pag-usapan”. Eh bakit ba mamunuhunan ng milyon ang mga sinehan kung hindi rin kikita?

Ano ang ginagawa nila? Puwersahan ang pagpapalabas ng pelikula nila. Gumagawa sila ng festival. Sabay-sabay silang ipinalalabas sa mga sinehan, eh di lalong wala silang kinikita. Mapuwersa man nila ang sinehan, hindi naman manonood ng sine ang mga tao sa ilang araw na iyon, eh di wala rin. Nandamay pa sila sa lugi nila.

Male dancer lantaran ang panghihingi ng datung sa manager

Ibang klase rin ang drama ng isang male dancer. Nag-text daw iyon sa manager niya at sinabing kailangan niya ng pera, at kailangang mag-transfer iyon ng limang libong piso sa kanyang bank account. “Bakit may patago ka ba?” ang tanong na lang ng manager. Huwag naman ganyan kagarapal.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with