_pang-masa
^
Kiko at Akihiro hindi nagdalawang isip sa tikiman kay Martin!

Kiko at Akihiro hindi nagdalawang isip sa tikiman kay Martin!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - January 17, 2019 - 12:00am

Inilabas nina Martin del Rosario at Kiko Matos ang mga dila nila sa laplapan nila sa coming movie nilang Born Beautiful. Mas wild din ang love scene sa tricycle kumpara sa halikan nila ni Akihiro Blanco na taxi driver at sa loob ng sasakyan ginawa ang milagro.

“Mas intimate at passionate sa amin ni Akihiro sa taxi!” saad ni Martin nang makausap ng press.

Bilang preparasyon sa role na transwoman, nag-training siya sa paglakad nang naka-high heels at pag-sway ng hips kay Wilma Doesnt.

“Isa ‘yon sa pinakamahirap na ginawa ko dahil nga sakang akong maglakad at may tiptoe pag pageant lalo na pag mataas ang takong ko,” paliwanag niya.

Pero more than the kissing scenes, ‘yung story ni Barbs na unang ginampanan ni Christian Bables ang magmamarka sa manonood.

“Walang nagdalawang-isip pati sina Kiko at Akihiro sa kissing at love scenes. Game sa lahat,” sey niya.

Pagdating sa ipitan ng kargada, ginagawa lang daw niya ‘yon kapag naka-bathing suit siya.

“Hindi po kakayaning umupo kasi pag umupo ka, gaganon! Ha! Ha! Ha!

“May taga-plaster pero kontrolado pero ako ‘yung nakatakip. May padding din ako sa hips. May prostethics din sa cleavage,” sey niya.

Di ba, gifted siya pagdating sa kargada?

“Mas madaling i-tape ‘yon! Ha! Ha! Ha! Masakit siya. Hindi nga ako puwedeng mag-CR. Pati wig mainit at masakit,” rason niya.

Naging kapalit man siya ni Christian, umaasa si Martin na mapapasin din siya sa Born Beautiful.

“Siyempre hindi maiiwasang ma-compare pero ginawa ko naman ang best ko dito!” saad ni Martin.

AKIHIRO BLANCO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with