^

Pang Movies

Super Tekla at Boobay, hindi naduduwag kay Vice!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Super Tekla at Boobay, hindi naduduwag kay Vice!

Willing pa rin si Super Tekla na mag-guest sa Wowowin dahil tumatanaw siya ng malaking utang na loob kay Willie Revillame.

Kahit na raw nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan noon, nagkaayos na raw sila at never daw siyang magagalit kay Willie dahil binago nito ang buhay niya.

“Kung hindi dahil kay Kuya Willie, walang Super Tekla na mapapanood sa telebisyon ngayon. Utang ko sa kanya kung nasaan ako ngayon.

“Nagkaroon man kami ng problema noon pero tapos na iyon. Okey na kami ni Kuya Wils at sinabi ko naman sa kanya na anytime na kailangan niya akong lumabas sa Wowowin ay gagawin ko ng libre. Gano’n kalaki ang utang na loob ko sa kanya,” sey pa ni Super Tekla.

Pinapasalamat din ni Super Tekla ang nangyari sa kanila ni Willie dahil nauwi iyon sa pagkakaroon niya ng kontrata sa GMA Artist Center at magkaroon ng show na The Boobay And Tekla Show.

Nagsimula ang TBATS sa GMA ONE Online Exclusives at milyon ang nakukuha nitong views every week. Kaya naman naisipan nang bigyan sila ng timeslot sa GMA-7 tuwing Sunday after Kapuso Mo, Jessica Soho starting January 27.

“Ready na akong bumalik sa Cotabato. Babalik na ako sa bundok ulit kasi sobra akong na-depress noong mawala ako sa Wowowin.

“Pakiramdam ko, wala na akong pag-asa sa Maynila. Yung naging failure ako. Hiyang-hiya ako para sa sarili ko at para sa pamilya ko na umaasa sa akin.

“Pero siguro nga, narinig ng Diyos ang pana­langin ko. Bigla akong tinawagan ng mga taga-GMA-7 at gusto raw nila akong kuning talent. Doon na nagsimula ang lahat. Naisipan na nilang gawin ang show na ito with Boobay,” ngiti pa ni Super Tekla.

Dahil katapat nila ang Gandang Gabi Vice, hindi na lang daw nila iisipin ni Boobay ang competition.

“Para walang stress sa amin ni Boobay, mag-enjoy lang kami. May mga tao na ikukumpara talaga kami sa show ni Vice Ganda, pero hindi namin gagawing basehan iyon ni Boobay.

“Magpapasaya lang kami every Sunday night. Kung ano ‘yung kinatuwaan nila sa amin noong online show pa lang kami, dodoblehin namin para mas masaya at mas maaliw ang audience sa amin.

“Marami kaming pasabog at mga big Kapuso stars ang ready nang mag-guest sa show namin ni Boobay.

“Kaya thank you Lord sa pagkakataong ito at hindi kami magpapabaya ni Boobay,” pagtapos pa ni Super Tekla.

Martin na-trauma sa pagpapa-wax

Kung may pinakamahirap daw na parte sa pagganap ni Martin del Rosario bilang Barbs sa pelikulang Born Beautiful, ito ay ang pag-wax ng mga buhok niya sa katawan.

Literally ay dinugo raw si Martin sa pagpapa-wax niya. Bukod daw sa masakit ito, nagkaroon pa siya ng allergic reaction sa ginamit na wax.

Akala raw ng actor na hindi masakit dahil may mga sisters daw siya na nagpapa-wax.

“Tinanong ko sila kung painful ba? Sabi nila hindi raw. Tinanong ko kung ano ang mas okey, cold or hot wax? Sagot nila cold wax. Eh yun pala ang mas masakit! Natuwa pa ang sisters ko dahil na-torture ako sa pagpapa-wax!” tawa pa ni Martin.

Pinakamasakit daw ay ang pag-wax sa kanyang dalawang kili-kili at sa dibdib.

“Pinakamakapal ang mga buhok ko sa chest at underarms. Grabe sa sakit! Noong una parang okey lang. Nato-tolerate ko pa. Pero noong nagtagal naluluha na ako. Gusto mong sumigaw sa sakit pero nahihiya ako!

“Apat silang nagwa-wax sa akin. Merong sa legs ko at meron sa upper body ko. Nagdugo sa bandang dibdib ko kasi nga makapal yung tubo roon ng buhok. Kaya dinugo talaga ako sa pagpapa-wax.

“Noong tinanong ako kung gusto ko bang ipa-wax sa inner thighs ko or sa bikini area, umayaw na ako! Ayoko na!” malakas na tawa ni Martin.

Anim na buwan daw silang nag-shoot para sa Born Beautiful kaya tumutubo na raw ulit ang mga na-wax niyang buhok sa dibdib.

“Noong tumutubo na ulit, sine-shave ko na lang. Ayoko nang dumaan sa pagpapa-wax! Nakaka-trauma ang sakit! Hindi ko alam kung paano iyon nate-take ng mga babae?” pagtatanong pa ni Martin.

Nag-trending sa social media ang trailer ng Born Beautiful at inaabangan ng netizens ay ang kissing scenes niya sa mga leading men niyang sina Kiko Matos at Akihiro Blanco. Sey ni Martin ay magkaiba raw ang paraan ng paghalik at pakikipag-sex niya sa dalawa.

“Magkaiba kasi ang personalities nila. Si Kiko, tricycle driver kaya jologs. Kaya wild ako kapag siya ang ka-sex ko. Si Akihiro naman ay taxi driver kaya disente. Kaya kapag nagse-sex kami, feeling ko girl na girl ako. Basta panoorin nila ‘yung uncensored version kasi game na game kaming tatlo sa mga eksena. As in, wala ka­ming sinayang na take,” diin pa ni Martin.

Hindi naman tinago ni Martin na disappointed siya sa pagputol sa ilang mga mahahalagang eksena sa Born Beautiful ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board). Bukod daw sa may mga putol na, pina-bleep pa ang ilang dialogues.

“Actually, R-18 na ang binigay nilang classification. Pero bakit pa nila pinutulan di ba? Pinaglaban naman nila Direk Perci Intalan ‘yung mga scenes. Pero wala pa rin, eh. Kesa na ma-X ang movie, pumayag na silang maputulan ng eksena,” pagtapos pa ni Martin del Rosario.

Selena Gomez babalik sa pagiging reyna!

Nagbabalik si Selena Gomez sa social media at handa na siyang muling i-claim ang kanyang pagi­ging reyna ng social media.

Sa kanyang latest post on Instagram, makikita ang series of black and white photos at may kahabang caption soiya para sa kanyang 144 million followers:

“It’s been awhile since you have heard from me, but I wanted to wish everyone a happy new year and to thank you for your love and support. Last year was definitely a year of self-reflection, challenges and growth. It’s always those challenges which show you who you are and what you are capable of overcoming. Trust me, it’s not easy, but I am proud of the person I am becoming and look forward to the year ahead. Love you all.”

September 2018 noong huling mag-post si Selena sa IG dahil pumasok siya sa isang treatment facility para sa kanyang anxiety ang depression.

Pero habang nasa facility siya, hindi siya tumigil sa kanyang pagsulat ng new music dahil inspired siya sa kanyang pagpapagaling.

Kailan lang at nakita si Selena kasama ang kanyang BFF na si Taylor Swift at Cazzie David sa Big Bear, California

vuukle comment

SUPER TEKLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with