Dennis magra-rah rah boy kay Jennylyn pagtakbo sa Hokkaido!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 16, 2019 - 12:00am

Ipinost ni Ultimate Kapuso Actress Jennylyn Mercado sa kanyang Instagram account ang pagpa-practice niyang tumakbo sa UP Diliman campus, early morning, kaya naman ang fans, inaabangan na siya sa nasabing lugar.

 

Hashtag ni Jennylyn sa kanyang post #roadtoHokkaidomarathonin Japan.

Yes, may pagka-athletic si Jennylyn at sumali na rito sa bansa ng triathlon kaya naman susubukan niyang sumali sa Marathon sa Japan, pero hindi pa niya sinabi kung kailan ito magaganap. Hindi lamang pagtakbo ang pina-practice niya, sa gym pina-pratice din niya ang pilates.

Sasamahan daw ni Dennis Trillo ang girlfriend sa paglaban nito ng marathon, pero hindi raw siya tatakbo, magiging rah-rah-boy daw lamang siya ni Jennylyn.

Si Jennylynn naman ay naka-schedule nang mag-taping ng romantic-comedy series nila ni Gabby Concepcion na I Love You Two, hindi pa lamang complete ang casting nito, pero isa ito sa coming projects ng GMA Network sa primetime block.

GMA Films buhay na uli!

Ibabalik na pala muli ang GMA Films headed by Ms. Annette Gozon-Valdes, at sa initial project nila, gagawa sila ng isang comedy film titled Kambal Karnabal.

Spoof ba ito ng teleseryeng Kambal Karibal ng GMA-7 na nagtampok kina Bianca Umali, Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara?

Nagsimula na silang mag-shooting last Sunday, January 13.

Pangungunahan ito ni Derrick Monasterio at katambal niya si Kim Domingo. Kasama pa rin si Super Tekla, Kiray Celis at marami pang iba, sa direksyon ni Adolf Alix. First time lamang yata magdidirek si Adolf ng comedy movie.

Ilang mga teleserye sa kabi-kabilang network, apektado ng eleksyon!

Isa-isa nang mawawala ang mga artistang may ginagawang teleserye ngayon dahil simula na ng kampanya sa nalalapit na election 2019 sa May. Isa sa most affected daw ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin dahil mga top actors ng action drama serye ang mawawala.

Ang mag-amang Lito at Mark Lapid ay parehong kakandidato sa kanilang lugar sa Pampanga. Si Edu Manzano ay nag-file na ng candidacy as Congressman ng lone district ng San Juan City. Si Jhong Hilario ay kakandidato rin.

Eere na rin ang The General’s Daughter, wala kaya sa kanila ang maapektuhan ng Comelec regulation na hindi pwedeng mapanood ang isang kandidato habang panahon ng election campaign?

Sa GMA Network ba may maapektuhan? Si Jestoni Alarcon kaya ng My Special Tatay hindi kumandidato? Dati siya kasing Board Member ng Rizal, pero matagal na rin siyang hindi napapanood sa Afternoon Prime drama series. Hindi alam kung buhay pa siya dahil nawala siya habang sakay ng kotse niya na nahulog sa ilog, pero hindi nakuha ang kanyang bangkay. 

JENNYLYN MERCADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with