^

Pang Movies

Thai matinee idol na inakusahang nagpapabayad sa bading, ubod ng yaman at kasing sikat ni Daniel Padilla

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Alam ba ninyo kung sino ang counterpart ni Daniel Padilla sa Thailand?

 

Alam ninyo kung sino ang top matinee idol nila? Iyong ganoon din ka-pogi. Iyong ganoon din na hit ang mga pelikula at mga ginagawang serye. Iyong nagkakaroon din ng hit concerts at may sarili pang banda. Kung ganyan ang usapan, isa lang iyan. Si Pachara Chirathivat, na kung tawagin nila ay Peach.

Pero may kaibahan si Peach kay Daniel Padilla. Si Daniel, sinasabing sanay siya sa karaniwang buhay bago siya naging isang sikat na artista. Artista rin naman ang kanyang mga magulang, pero hindi naman kasikatan kaya hindi masasabing mayaman na sila noon pa man.

Si Peach, nagmula iyan sa angkan ng Chirathivat. Sinasabing sila ay Thai, ngunit may dugong Tsino. Nag-migrate ang mga ninuno niya sa Thailand, mula sa Hainan province sa China. Namuhay sila sa Bangkok simula noong 1927, at doon nagsimula ang kanilang magandang buhay.

Iyong pamilya nina Peach,  may 60 malls sa Thailand. Mayroon silang hotels at restaurants na umaabot sa limang libo lahat. Napakarami nilang negosyo, at iyang si Peach mismo ay nagpapatakbo na ng sarili niyang food chain (na ang isa nga ay ang Potato Corner), bukod sa pagiging isang artista.

Iyong pamilya nila, number 3 lang naman sa listahan ng Forbes Magazine bilang pinakamayaman sa Thailand. Mas mayaman si Peach kaysa doon sa may ari ng network kung saan lumalabas ang kanyang serye ngayong Hormones na pinanonood namin kung gabi on line. Kaya nga tawang-tawa kami sa mga kumalat na tsismis sa Pilipinas noong malaman namin na ang tinutukoy pala nila sa blind item nila ay si Peach na nali-link sa isang controversial gay. Mahiya naman kayo sa sinasabi ninyo.

Papaano mo sasabihin na ang isang taong ganyan ang kalagayan sa buhay, at kilalang playboy din ay magkakaroon ng kaugnayan sa isang bading at pinagbubuhusan ng bading ng pera. Baka sila ang paliguan ng pera ni Peach. At iyang nagbibintang nang ganyan, mas mayamang di hamak si Peach sa kanya, at legal lahat ng yamang iyon ha. Sila nga hindi man lang nabanggit sa Forbes Magazine.

At mas sikat si Peach ha. box-office hit ang kanyang mga pelikula kahit hindi tinadtad ng block screening ha, iyong pinapapasok ang mga tao kahit na walang bayad dahil bayad na ng sponsors ang sinehan. Kinukuha siya ng network dahil hit ang serye niya ha, hindi iyong pinupuwersa lamang ang network. Kaya natawa kami noong malaman naming si Peach pala iyong itsinitsismis nila.

Arjo at Maine bawal magpa-picture ng sabay!

Mukhang hindi na talaga itinatago nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang kanilang pagiging “good friends”. Madalas na silang makitang magkasama eh. Pero basta may nagpa-picture na fans, payag naman sila pero hindi sila magkasabay na kukunan ng picture. Kasi nga siguro, hindi naman sila magka-love team, at saka nasa magkalabang network sila. Pero ano ba ang masama kung sila na nga?

Eh nanligaw si Arjo eh. Wala namang nanliligaw kay Maine. Ano ang masama doon?

Indie actor tuloy ang pangungutang sa mga FB friends

Ang lakas ng loob na mangutang ng isang indie actor sa isang tao, kailangan daw niya ng pera dahil naloko sila ng isang nagpanggap na producer ng show sa Davao at wala siyang pamasahe pabalik ng Manila. Pero gusto niya ipadala ang perang kanyang “inuutang” sa pamamagitan ng isang carrier at ang gagamiting address ay iyong address niya sa Manila. Nagduda na ang inuutangan.

Isa pa, hindi naman pala sila personal na magkakilala ng inuutangan niya. Naging friends lang sila sa social media, uutangan na agad ng pamasahe sa eroplano pabalik ng Manila?

 

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with