^

Pang Movies

Ibang pelikulang Tagalog nanganganib Ding matokwa

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Ibang pelikulang Tagalog nanganganib Ding matokwa

Ngayon hindi na maitago na talagang na-tokwa ang pelikula ni Jose Manalo at may napakagandang observation na aming nakita, kasi naman daw walang promo ang pelikula. Minsan nangyayari talaga ang ganyan, over confident eh. Kasi ang akala nila dahil araw-araw silang nakikita sa kanilang TV show, at maya’t maya ay binabanggit nila ang title ng kanilang pelikula, ayos na iyon.

Noong araw, ang promo ng isang pelikula, hindi pa man nagsisimulang gawin ay nakalatag na. Kasi nga may stages kung saan inaasahan mong maaabot ng promo ng pelikula ang sektor na gusto mong abutin at pinag-aaralan iyan. Noong araw din, ang mga producer ng pelikula ay mas marketing conscious kaysa ngayon. Ngayon basta gawa na lang sila nang gawa ng pelikula, hindi niya pinag-aaralan ang marketing strategy. Hindi kasi nila alam na iyang pelikula ay isang marketing game. Kailangan bukod sa mahusay ang pelikula mo, alam mo kung papaano mo ibebenta.

Hindi basta lumabas sa ilang diyaryo at sa Facebook promo na iyon. Hindi basta maisulat ok na iyon. Ano naman kasi ang kalidad ng mga pinagsusulat? Nakukumbinsi ba ang publiko sa sinusulat nila eh halatang-halata mo namang pra la la?

Kung ganyan nga nang ganyan, marami pang susunod na matotokwa, sa maniwala kayo at sa hindi. May mga nakatakda na ngang umani rin ng tokwa eh.

Mayor Herbert balik-showbiz na lang

“Malapit na,” iyan lang ang sinabi ni Mayor Herbert Bautista. Mukhang aasikasuhin naman niya ang kanyang matagal ding napabayaang acting career. Bukod doon, sinasabi rin naman niyang gusto niyang mag-direk na rin ng pelikula na kayang-kaya naman niya base sa kanyang karanasan. Iyong tatay niya ay dating director din.

Bukod doon, may isa pang bagong director ng pelikula mula sa kanilang pamilya na magsisimula na rin ng projects.

Idagdag pa natin diyan ang katotohanan na i­lang panahon na rin naman siyang nagpo-produce. Hindi nga lang niya maharap nang husto iyan dahil sinasabi nga niya na ang trabaho ng isang mayor ay “more than a full time job”. Pero ngayon nga, kahit na nagulat ang maraming political observers sa kanyang desisyon, minabuti niyang magbakasyon muna sa public service.

“Minsan nami-miss ko na rin naman ang showbusiness. Dapat aminin ko rin naman na kung hindi dahil sa showbusiness, baka nahirapan akong marating ang inabot ko. This time gusto ko rin namang makatulong sa industriya. Kahit na mayor ako nakasuporta pa rin sa akin ang mga kaibigan ko sa showbiz, kaya ito namang panahong ito, lalo na sinasabi nilang tagilid ang industriya, baka naman makatulong ako kahit na papaano,” sabi ni Mayor Bistek.

“Siguro may natutuhan na rin naman ako, lalo na ang mga nakasama ko noon mga beterano na sa industriya at sa totoo lang marami silang inputs na naibigay sa akin. Hindi lang sila nagdidirek eh, sinasabi nila kung bakit ganoon ang sistema, at bakit ganoon ang kailangang gawin ng mga artista. Baka iyong ganoon ang kulang ngayon,” sabi pa ni Mayor.

Sige nga subukan natin.

vuukle comment

JOSE MANALO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with