Michelle Madrigal
Michelle nahirapang magpa-sexy!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - January 15, 2019 - 12:00am

Balik alindog ang aktres na si Michelle Madrigal para sa taong ito.

Sa kanyang latest na Instagram post, pinakita niya ang resulta ng kanyang daily workout routine para maibalik ang dating katawan niya.

Inamin noon ni Michelle na nahirapan s­iyang bumalik sa dati ang katawan niya after ipanganak ang daughter nila ng mister niyang si Troy Woolfolk na si Anika noong November 2017.

Nakahanap ng tamang workout si Michelle at ito ay ginagawa niya four times a week. High interval intensity training ito para sa mga tulad niyang moms na nasa edad na 30’s.

“The progress is real!!! (Hello quads) Now, this didn’t happen overnight.... 1 year of consistently training from weight loss to gaining muscle mass. It has been a great journey of learning how to properly fuel my body and d­oing the exercises that works best for me,” caption pa ni Michelle.

Ilang months pa lang bago mag-summer pero bikini-ready na si Michelle at handa na itong irampa ang kanyang seksing katawan.

Boom pinaiiwas muna si Tony sa bashers

Nagbigay na ng kanyang pahayag ang ama ng kontrobersyal na aktor na si Tony Lab­rusca tungkol sa kinasangkutan nitong gulo sa isang immigration official ng NAIA.

Ayon kay Boom Labrusca, hindi raw siya nagkulang sa pagbigay ng pangaral kay Tony kung paano ito makikisama lalo na sa pinasok nitong trabaho sa showbiz.

Malawak ang experience ni Boom sa showbiz dahil nagsimula ito noon sa That’s Entertainment in 1986 hanggang sa mapasama bilang Star Circle member in 1996 gamit ang screen name na Miguel dela Rosa.

Sana raw ay may natutunan ang anak niya sa mga nangyari rito. Pinapaiwas daw niya si Tony muna sa social media dahil aware siyang maraming nang bashers ito.

“Sabi ko sa kanya, ‘Alam ko naman na kahit papano may natutunan kang lesson dito di ba?’ Siguro kasi ‘yung pag-tweet din niya.

“So sabi ko paminsan medyo take a step back bago ka may gawing hakbang. Kasi nakatingin lahat ng tao sa’yo ngayon,” diin pa niya.

Isa raw sa gusto niyang matutunan ni Tony sa pinasok niyang trabaho ay ang pagiging humble.

“Actually siguro mga ilang araw na ka­ming magkasama, nagka-kape lang kaming dalawa. Siyempre bilang tatay niya sinuportahan ko siya.

“Masakit eh… kung anu-ano ‘yung nababasa mo, masasaktan ka bilang ama,” pagtapos pa ni Boom Labrusca.

Eddie Murphy bubuhayin ang kuwento ng Coming to America

Kinumpirma ng Hollywood comedian na si Eddie Murphy na bibida siya sa long-overdue sequel ng pelikulang niyang Coming To America.

Ang 1988 comedy blockbuster na Coming To America ang siyang nagpasikat ng husto kay Murphy sa Hollywood bilang top screen comedian ng dekadang iyon.

Para sa mga millennials na hindi pa napapanood ang Coming To Ame-rica, kuwento ito ng African prince from Zamunda na si Akeem Joffer na naghahanap ng kanyang mapapangasawa sa United States. Nagpanggap ito na isang ordinaryong tao para lubusang niyang mahanap at makilala ang babaeng magiging asawa niya.

Bukod kay Eddie Murphy, kabilang din sa cast sina James Earl Jones, Arsenio Hall, John Amos, Eriq La Salle, Madge Sinclair, Louie Anderson, Vanessa Bell, Shari Headley and Samuel L. Jackson.

Noong nakaraang November 2018, ipinanganak ang ika-10th baby ng 57-year old comedian.

MICHELLE MADRIGAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with