Chavit malaki ang naitulong kina Manny at Jinkee!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 14, 2019 - 12:00am

Nag-celebrate ng 40th birthday sa Los Angeles California si Jinkee Pacquiao at ang kanyang twin sister na si Janet.

Noong January 12 ang 40th birthday ng kambal at lumabas naman kahapon ang interview ni Wilson Lee Flores kay former Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson.

Diretsahan na tinanong ni Wilson si Papa Chavit kung true ang tsismis na naging girlfriend nito ang kakambal ni Mama Jinkee at hindi ang sagot niya dahil tsismis lamang ang lahat.

Believable ang sagot ni Papa Chavit dahil alam ng friends niya ang mga katangian ng mga babae na kanyang natitipuhan.

Nagtanong din si Wilson kay Papa Chavit tungkol sa nalalaman nito sa isyu na muntik nang magkahiwalay noon sina Papa Manny Pacquiao at si Jinkee.

Very close si Papa Chavit kay Papa Manny kaya privy siya sa mga ganap sa personal na buhay ng Pacquiao couple.

Para sa kapakanan ng readers ng PM (Pang Masa), ito ang bahagi ng exclusive interview ni Wilson kay Papa Chavit na na-publish kahapon sa Philippine Star. In fairness, sinagot ni Papa Chavit ang lahat ng mga tanong ni Wilson tungkol sa mga kontrobersya na may kinalaman sa buhay niya.

“A politician recounted being witness to Manny Pacquiao once planning to end his marriage to his wife Jinkee due to his falling for a young actress and that it was you who advised him to not abandon his wife?” ang question number one ni Wilson kay Papa Chavit.

“I will tell you another story. It was his wife Jinkee who was angry at Pacquiao just before his boxing match against Marquez.

“She refused to go to Las Vegas, Pacquiao then asked for my help and promised that he would change. I talked to Jinkee and convinced her to support him, because I told her that if Pacquiao was depressed and if he lost, then the future of their kids will also be lost. She agreed.”

Were you able to convince Jinkee because her twin sister Janet was once your girlfriend?

“No, she wasn’t my girlfriend, tsismis lang ‘yon (that was only gossip).”

After you helped save Pacquiao’s marriage, did he really change?

“Yes, Pacquiao changed and started doing Bible study, pero ang problema sumobra (but the problem was it became too much). (Laughs)

“There was a time, he’d do Bible studies every day! I told him to just do Bible study once a week, not too much. Now it’s no longer every day.”

Matagal pa ang pamamalagi ni Jinkee sa California dahil panonoorin pa niya ang laban ni Papa Manny kay Adrien Broner sa Las Vegas, Nevada sa January 19.

Hindi puwedeng mawala si Jinkee sa mga laban ni Papa Manny dahil isa siya sa mga inspirasyon ng kanyang asawa.

Kita n’yo naman, ayon nga sa kuwento ni Papa Chavit, kahit may tampuhan noon ang Pacquiao couple, lumipad pa rin si Jinkee sa Las Vegas para bigyan ng moral support ang Pambansang Kamao na nakakatuwa dahil grabe ang naging transformation niya mula nang magbalik-loob siya sa Panginoon.

CHAVIT SINGSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with