^

Pang Movies

Sarah tanong nang tanong kay Regine tungkol sa buhay may-asawa

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sarah tanong nang tanong kay Regine tungkol sa buhay may-asawa
Sarah Geronimo

Nagkukuwento si Regine Velasquez sa kanyang social media post na marami raw itinatanong sa kanya si Sarah Geronimo tungkol sa buhay may-asawa at sa pagpapakasal. Pero mabilis na sinabi ni Regine na sa palagay niya hindi pa naman masasabing “engaged” si Sarah kay Matteo Guidecelli.

Siguro nga natatanong siya ni Sarah dahil magkaibigan naman sila. Siguro rin ang tingin ni Sarah kay Regine ay isang nakakatandang kapatid, dahil kung natatandaan ninyo, ang naging simula ni Sarah ay isang singing contest na ang host ay si Regine.

Pero kung iisiping mabuti, malaki ang kaibahan ng karanasan ni Regine kaysa kay Sarah. Si Regine ay nagpakasal kay Ogie Alcasid na dati ng may asawa pero divorced. Sa kaso naman ni Sarah, binata si Matteo, at saka higit namang mas bata ang dalawa.

Pero maganda rin ang ginagawa ni Sarah na nagtatanong siya sa mga taong pinaniniwalaang makapagbibigay sa kanya ng magandang payo, kasi nga inabot na nila ang karanasang iyon. Hindi mo nga siguro maaasahan si Sarah na magtanong halimbawa sa nanay niya na alam niyang tutol sa kanyang pag-aasawa kahit na nasa tamang edad na siya.

Hindi rin naman siguro siya makapagtanong sa ibang may interest sa kanyang career dahil tiyak na iba rin ang reaksiyon ng mga iyon, dahil naroroon ang posibilidad ng mga pagbabago oras na mag-asawa na si Sarah.

Pero kung kami ang tatanungin, sa palagay namin tama na nga ang panahon para mag-asawa si Sarah. Kasi isipin ninyo, ito ang panahon na dapat magkaroon na siya ng anak, para hindi naman ganoon kalayo ang age gap nila. Isa pa, mukhang desidido na naman siya kay Matteo, na isang mabuting tao naman. Siguro naman, natulungan na ni Sarah ang kanyang pamilya. Ano pa nga ba ang dahilan para pigilin si Sarah na na mag-asawa.

Sunshine proud sa anak

Hindi na kailangang tanungin, talagang makikita mo kung gaano ka-proud si Sunshine Cruz sa kanyang anak na si Angelina. Kung sabagay, hindi lang naman kay Angelina kung di sa dalawang iba pang anak niya. Aba eh bakit naman hindi, ang gaganda ng anak niya. Makikita mo talaga na nagmana sa lahi ng mga Cruz ang kanyang mga anak. Ganoon ang tipo ng mukha eh. Ganoon din ang tipo ng mga pagkilos.

Kaya nga lang siguro mas pansin ang pagmamalaki niya kay Angelina ay dahil pumasok na rin iyon sa showbusiness bilang isang singer. Alam naman ninyo iyang mga Cruz, simula sa ninuno ng mga iyan kilala sa musika.

Pero marami ang nagsasabi, kung iyang si Angelina ay mag-aartista rin, aba eh maraming lulumaing mga artista iyan, na sa totoo lang hindi naman mukhang artista. Pero hindi papayag si Sunshine, ang ganda ng standings ng pag-aaral noong bata eh.

Nanay ng aktor, ginawang gatasan ang baklang may gusto sa anak!

Nakahalata na ang isang showbiz gay. Panay daw ang hingi ng datung sa kanya ng nanay ng male star na pagsasanglaan sana niya ng kanyang puso at pitaka. Pero nilinaw ng showbiz gay, handa naman siyang isangla ang pitaka niya sa male star, pero hindi sa nanay noon. Kaya naghanap na lang siya ng ibang male star ngayon na hindi palahingi ang nanay.

Iyan na nga ba ang sinasabi ko eh.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with