^

Pang Movies

Maine at paboritong novelist na si Lang Leav, magkikita na?!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Maine at paboritong novelist na si Lang Leav, magkikita na?!
Maine Mendoza

Mag-meet na kaya nang personal si phenomenal star Maine Mendoza at ang paborito niyang poet at novelist na si Lang Leav? Darating kasi sa bansa, for the third time, si Lang Leav sa February 23 and 24 para sa book signing niya sa National Book Store ng latest book niyang Love Looks Pretty On You.

Kung magkikita sila, tiyak na isang magandang birthday gift ito kay Maine dahil she will be celebrating her 24th birthday sa March 3,

Noong panahon ng kalyeserye nina Alden Richards at Maine Mendoza sa Eat Bulaga, isa si Lang Leav sa madalas mag-tweet tungkol sa dalawa at humahanga siya sa kasikatan nila. Every now and then, nagtu-tweet pa rin si Lang Leav at ang huli niyang tweet kay Maine noong kasagsagan ng showing ng Metro Manila Film Festival 2018 movie nila nina Vic Sotto at Coco Martin na Jack Em Popoy: The Policecredibles, hinangaan niya raw ang pagiging strong girl at role model ni Maine sa mga kababaihan.

Nai-share ni Maine sa Twitter niya, ang quotation mula kay Lang Leav: “Don’t stay where you are needed. Go where you are loved.” – Lang Leav

Dennis nagulat sa sampal ni Sanya!

Ang guwapo ni Elias (Dennis Trillo) nang humarap sa ilang entertainment press sa set visit ng action-drama series nila ni Daniel (Dingdong Dantes), ang Cain at Abel. Wala na iyong look niyang ma­syadong seryoso, puno ng angst ang character niya.

“Nagbago na ang buhay ko, medyo yumaman na ako dahil nagustuhan ng big boss namin (Lucho Ayala) ang trabaho ko,” kuwento ni Dennis. “Pero naroon pa rin ang galit ko kay Daniel na sinisisi ko sa pagkamatay ng anak namin ni Margaret (Sanya Lopez). Ang maganda rito, ang huhusay po ng mga director namin, at binibigyan kami nina Direk Don Michael Perez at action director Toto Natividad na mag-collaborate kami sa kanila, nakakapagbigay kami ng inputs.”

Noon pa ay seryoso na si Dennis na pinapanood ang mga director niya, gusto rin ba niyang magdirek?

“Kung mabibigyan po ako ng chance kasi noon pa iniidolo ko na si Mr. Eddie Garcia, kasi artista at director po siya.”

First time ni Dennis na makatambal si Sanya Lopez, kaya ba ni Sanya na makipagsabayan sa kanya?

“Bilib po ako sa kanya dahil kahit bago pa lamang siya, ipinakita niya na kaya niya ang role niya. Like sa sampalan scene, noong una parang takot siyang sampalin ako, pero sabi ko, totohanin niya para maramdaman ko ang galit niya. Nagulat ako, kasi sa mga sumampal na sa akin, siya iyong pinakamalakas sumampal, namula talaga ang pisngi ko kaya sorry siya nang sorry, pero sabi ko okey lamang sa akin dahil mas gusto ko iyon kaysa iyong fake na sampal na awkward tingnan kung mahalata sa screen.”

Hindi sinagot ni Dennis kung sa ending ng story, sila pa rin ni Sanya, o kung si Solenn Heussaff naman ang makakatambal niya, na dating girlfriend ni Dingdong sa story.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with