Jennylyn Mercado
Jennylyn kinokondisyon na ang sarili sa Hokkaido Marathon
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - January 14, 2019 - 12:00am

Sa Hokkaido Marathon 2019 na pala sasali ng marathon si Jennylyn Mercado dahil nabanggit ni Dennis Trillo na nahuli sa registration sa Berlin Marathon ang aktres. Sa November naka-schedule ang Berlin Marathon at sa August ang Hokkaido Marathon, kaya nagsimula nang mag-training ang aktres.

Nagwu-workout si Jennylyn, pero iba pa rin kung magpu-focus siya sa pagtakbo at ‘yun ang kanyang ginagawa. Nang mag-post ng picture habang tumatakbo sa may UP Diliman, day 3 na nang pagtakbo ni Jennylyn, ang caption niya ay “Keep going #day3 #roadtohokkaidomarathon2019.”

Magagawang tumakbo ni Jennyln habang hindi pa siya nagsisimulang mag-taping ng rom-com series nila ni Gabby Concepcion na Love You Two at hindi pa nagsisimula ang shooting ng Reality Entertainment movie na The Keepers. Pero dahil magaling sa schedule si Jennylyn at ang kanyang management, magagawan ng paraan na makapagpatuloy ang kanyang training.

Sabi pala ni Dennis, sasamahan niya si Jennylyn sa marathon, pero ang GF lang ang tatakbo at siya ay magtsi-cheer lang.

Enchong walang paki sa fans ni Kris

Naurong sa February 6, ang showing ng Regal Entertainment movie na Elise na pinagbibidahan at title role si Janine Gutierrez at leading man niya si Enchong Dee. Sa direction ni Joel Ferrer, inspired ang pelikula ng true story. Malalaman sa presscon kung kaninong true story ang Elise at kung sino si Elise.

Hindi sinabi ni Regal kung bakit inurong nila ang playdate ng Elise, pero maganda na rin ‘yun para mas ma-promote pa ang pelikula. Para mas ma­kilala pa ang kasama sa cast nina Janine at Enchong na sina Miko Raval, Victor Anastacio, at Miss World 2017 na si Laura Lehmann na introducing sa nasabing pelikula.

By the time na presscon ng Elise, nakalimutan na rin ng press ang isyu nang pagla-like ni Enchong sa post ni Gretchen Barretto na patungkol kay Kris Aquino. In fairness kay Enchong, hindi siya sumagot sa mga nag-react at nagalit sa kanya.

Juancho at Joyce, obvious na may ligawan!

Nang makita namin sina Juancho Trivino at Joyce Pring na nagdi-dinner sa isang cafe resto sa may Sct. Torillo, tinanong namin ang huli kung ano ang nangyari sa crush niya kay Atom Araullo? Naalala naming naging vocal siya sa pag-aming crush niya si Atom.

“Crush ko pa rin si Atom,” sagot ni Joyce na narinig ni Juancho. Kaya siguro para makaganti kay Joyce, nang tanungin namin si Juancho kung sila na ni Joyce, ang sagot ay “crush ko pa lang siya.”

Pero obvious na may ligawan nang nangyayari dahil kung wala, hindi sila magdi-date na usually, ginagamit na getting to know each other stage. Malaking bagay na magkasama sila sa Unang Hirit dahil madalas magkikita’t magkakasama.

Last December pa lang yata nagkasama sa Unang Hirit sina Joyce at Juancho, pero five years ago, nagpa-picture si Juancho kay Joyce. May picture si Juancho nilang dalawa patunay na totoo ang kanyang sinabi.

Zia umeere na

Umeere na nga simula kahapon, January 13, ang TVC ni Zia Dantes ng Nido Advanced Protectus 3+ kasama ang mom niyang si Marian Rivera. Nagkamali pa nga si Dingdong dahil nang makausap namin sa taping ng Cain at Abel, ang sabi, sa Jan. 17 pa ang airing ng TVC.

Kaya, hindi na lang sina Dingdong at Marian ang may TVC, meron na rin si Zia na in fairness, maganda ang TVC at marunong umarte ang three-year-old bagets.

PPP isasabay sa 100 taon ng PH cinema

Gaganapin ang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) this year sa September 11 to 17 kasabay ng official celebration ng One Hundred Years of Philippine Cinema. Flagship program ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

One week ang celebration that will exclusively screens quality Filipino films of different genres in all theatres nationwide. Nasa likod ng twin event si FDCP Chair Liza Diño.

The One Hundred Years of Philippine Cinema was recognized through the Presidential Proclamation 622 Series signed last November and assigning FDCP as the lead agency for the celebration. Ang historic milestone ay dineklara in honor of Dalagang Bukid ni Jose Nepomuceno released on September 12, 1919 and considered the first Filipino-produced and directed feature film.

JENNYLYN MERCADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with