Maine ayaw sa pulitika
Vir Gonzales (Pang-masa) - January 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Masayang-masaya si Maine Mendoza sa kanyang tinatamasa ngayon, bukod sa pagkakaroon niya ng maraming projects, masaya rin ang kanyang puso dahil sa napapabalitang pagkakamabutihan nila ni Arjo Atayde.

 

Tuluy-tuloy lang ang kanyang mga ginagawa, una na siyang binigyan ng sariling show ni Vic Sotto, ang Daddy’s Gurl, kung saan gumaganap sila doon bilang mag-ama. Magkasama rin sila sa katatapos lang na entry sa Metro Manila Film Festival 2018 na Jack Em Popoy: The Puliscredibles with Coco Martin.

Marami ring magagandang nangyari sa kanya noong nakaraang taon at sana ay magtuluy-tuloy pa hanggang sa mga susunod na taon.

Samantala, sa kabila ng pagkakalinya ng kanyang mga tito at tita na pawang mga governor sa lugar ng Bocuae, Bulacan, walang planong sumabak si Maine sa pulitika.

Empoy favorite si Sto. Niño

Iilan lang marahil ang nakakaalam na ang pamilya ng komedyanteng si Empoy Marquez na tiga-Baliwag, Bulacan ay napakarelihoyoso.

Dumalaw si Empoy sa isang exhibit ng mga Sto. Niño sa SM Baliwag at tuwang-tuwa ito.

Noong hindi pa raw siya masyadong sikat, araw-araw silang nagsisimba at nagdarasal ng kanyang ina na sana ay makaluwag na sila sa buhay at hindi naman sila nabigo dahil nabigyan ng suwerte si Empoy sa mundo ng showbiz.

Amalia bumubuti na ang lagay

Nagkayayaan sina Daria Rami­rez, Liberty Ilagan at Roger Calvin na dalawin ang former beauty queen na si Amalia Fuentes. Mabuti naman at maa­yos na ang kanyang lagay ngayon. Napakiharapan na raw niya kahit papaano ang mga bumibisita sa kanya.

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with