Dingdong kasado na ang gagawing pelikula
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 13, 2019 - 12:00am

Sa January 16 na magtatapos ang contract ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa GMA Network at nagulat pa siya nang tanungin ng ilang entertainment press sa set visit ng Cain at Abel, kung lilipat ba siya ng ibang network?

 

“Wala, hindi ako lilipat,” sagot ni Dingdong. “Hindi pumasok sa isip ko na umalis sa GMA Network. Dito na ako tumanda at araw-araw nararamdaman ko ang warmth ng pagmamahal nila sa akin at I’m too grateful sa kanila. Ipinagpapasalamat ko na they allowed me to explore, pinayagan nila akong gumawa ng pelikula sa ibang productions at sa aking production, ang Agosto 2.

“Buong buhay ko na akong magiging Kapuso. Iyong pirmahan ng kontrata sa papel na lamang iyon, bahala na roon ang manager ko. Like now, dalawa ang ginagawa ko sa GMA, itong action-drama series namin ni Dennis Trillo, ang Cain at Abel, at kahit ako, habang nagti-taping ng Amazing Earth, ako rin ay naa-amaze sa mga nalalaman ko tungkol sa kalikasan at sa mga hayop. Ang anak kong si Zia, hindi siya matatakutin sa hayop, pero ipapapanood ko ito sa kanya kapag nakakaintindi na siya talaga, although naa-amaze din ako sa kanya dahil may mga sinasabi na siyang hindi mo iisiping she’s only three years old. Hayaan ko na muna siya na tutulungan daw niya ang Mama niya (Marian) sa pag-aalaga sa baby brother niya. Inihahanda na niya iyong bed niya para sa kapatid daw niya.”

Kumusta naman siya as Daniel sa Cain at Abel?

“Natutuwa ako sa story ng Cain at Abel dahil napaka-rich nito, ang daming option na puwedeng puntahan ang story. First time naming na-experience ni Dennis na may collaboration kami sa creative at sa mga director namin. Maganda ang working environment namin, kaya walang problema.”

“Abangan nila kung paano kami magkakasama ni Dennis, ako sa corporate world at siya sa kanyang mundo. Ako, gusto ko lamang malaman kung sino ang pumatay sa anak ni Elias (Dennis) dahil may kinalaman din ako kaya siya namatay.”

Movies muna ang pagkakaabalahan ni Dingdong after ng action serye niya. May nakahanda na siyang movie na gagawin sa Viva Films at sa kanyang Agosto 2 Productions.

At siyempre, ang excited na nilang paghihintay ni Marian at ng kanilang coming baby boy by summer. Ayaw pa ring sabihin ni Dingdong ang magiging name ng kanilang baby boy.

Ang Cain at Abel ay napapanood gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7.

DINGDONG DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with