Kasal malabo pa Anne aligaga na agad sa bagong pelikula!
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - January 13, 2019 - 12:00am

Kahit kasisimula pa lamang ng taong 2019 at katatapos pa lamang last January 7, 2019 ng 2018 Metro Manila Film Festival kung saan naging kalahok ang horror-movie na Aurora ni Anne Curtis, simula agad ang actress-TV host at celebrity endorser ng bago niyang movie, ang Just A Stranger mula sa panulat at direksyon ni Jason Paul Laxamana under Viva Films.

 

Ang pagiging sobrang busy nung isang taon ni Anne ay mukhang mauulit sa taong kasalukuyan dahil nagsara ang 2018 at nagbukas ang 2019 na meron siyang pelikula. Hindi rin malayong makagawa siya ng tatlong pelikula sa taong ito.

In 2018, nakagawa si Anne ng tatlong hit movies, ang Sid & Aya (Not A Love Story) with Dingdong Dantes na dinirek ni Irene Villamor, ang BuyBust ni Erik Matti at ang Aurora nga na pumangatlo sa walong kalahok sa MMFF 2018.

Nariyan pa ang pagiging isa sa mga main hosts ng noontime program na It’s Showtime at pagiging in-demand na celebrity endorser.

Sarah at Matteo nag-e-enjoy pa sa pagiging magdyowa

This year ay mag-aanim na taon na ang relasyon ang magkasintahang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, pero mukhang wala pa rin sa plano ng dalawa ang lumagay sa tahimik dahil nananatiling priority sa dalawa ang kanilang respective career.

Matteo is turning 29 on March 25 at magti-31 naman si Sarah on July 25. Kung nanaisin ng dalawa ay kaya na nilang bumuo ng pamilya pero mukhang ini-enjoy pa nila ang kanilang relasyon bilang magkasintahan.

Gaano man ka-busy ang dalawa sa kanilang individual career, they always make it a point na may oras sila para sa isa’t isa.  Hindi rin maikakaila na si Sarah ang pinakamatagal na na­ging girlfriend ni Matteo at si Matteo naman ang una niyang boyfriend na kanyang inamin sa publiko although na-link din siya noon kina Rayver Cruz at Gerald Anderson.

Bago naging magkasintahan sina Sarah at Matteo ay naging girlfriend noon ng actor-triathlete ang Kapamilya singer-actress-dancer na si Maja Salvador.

ANNE CURTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with