Richard alagang-alaga si Lucy kaya hindi nalosyang!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - January 13, 2019 - 12:00am

Noong isang araw, may dumating kaming isang kaibigan na may dalang magazine, na ang nasa cover ay si Congresswoman Lucy Torres-Gomez. Ngayon congresswoman siya, pero noong una namin siyang makilala, siya ay isang modelo at host ng isang dance show sa TV5. Sinubukan ding mag-artista ni Lucy. Nakasama siya sa pelikulang Panday 2. Kung natatandaan ninyo, nagkaroon pa sila ng isang long running sitcom, iyong Richard Loves Lucy.

 

Napagkuwentuhan nga, ano ba ang ipinagkaiba ng hitsura ni Lucy noong host pa siya ng Shall We Dance sa TV5, at may sitcom pa sa telebisyon, at ngayong siya ay isang congresswoman, may asawa, at may anak na nakapag-debut na. Ang sagot ay wala.

Kung titingnan mo si Lucy ngayon, ganoon pa rin siya kaganda. Hindi siya kagaya ng iba na tumaba at nagmukhang barko. Kung titingnan mo si Lucy ngayon, sasabihin mo na mukha pa rin siyang artista at modelo. Samantalang iyong ibang mga kasabayan niya, ay talaga namang mga mukhang matrona na.

May mga nagsasabing credit iyan kay Mayor Richard Gomez. Marunong daw kasing mag-alaga ng asawa si Goma. Dahil pogi rin naman, hindi siya insecure na maganda ang kanyang asawa. Iyong iba naman daw kasi, mukhang budul-budol, kaya hinahayaan din ang mga asawa nilang tumaba at puma­ngit para hindi na pag-interesan ng iba, at hindi rin sila masisi kung mambabae sila.

Eh si Goma, palibhasa ay wala namang planong mangaliwa pa, talagang inaalagaan din niyang manatiling maganda ang kanyang asawa.

Pero kung iisipin, na kay Lucy na rin iyon. Hindi naman kasi nangangahulugan na kung may asawa ka na, okay lang na magmukha kang barko.

Angel inaabangan kung makakabawi sa General’s...

Ngayon inaamin na ni Angel Locsin na may panahong naisip niyang mag-quit na lang sa showbusiness. Kasi ang feeling daw niya, hindi niya nagagawa iyong mga kailangan niyang gawin, at nahihiya na rin siya sa producers niya.

Una, hindi nga niya nagawa ang Darna dahil nagkaroon siya ng problema sa spinal column, at kahit na sabihin mong nagpa-opera pa siya sa abroad, aba delikado pa rin iyong pabayaan.

Mayroon pang ibang factors na siguro nga hindi na sinabi ni Angel. Dahil matagal siyang namahinga, napansin si Liza Soberano na maganda rin ang mukha at naging hit din ang loveteam. Mas bata pa si Liza. Bigla ring sumikat si Kathryn Bernardo nang maitambal kay Daniel Padilla, at siya pa ngayong kinikilalang box office queen. In fact si Angel ay lumabas na support na lang sa isang serye ni Kathryn. Siguro ikaw man si Angel na noon ay reyna ng primetime, madidismaya ka rin.

Ang punto ngayon, makakabawi pa ba si Angel?

Aktres pinagpalit ng BF sa bakla

Talagang ipinagsisigawan ng isang female star na split na sila ng dati niyang boyfriend. Ang talagang dahilan daw ay dahil nalaman niyang may third party sa kanilang relasyon. Ang masakit pa sa female star, nalaman niyang ang third party sa relasyon nila ay hindi isang babae.

Sus, ano kaya iyon?

LUCY TORRES-GOMEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with