Dominique sinagot ang pagiging illegitimate child
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - January 13, 2019 - 12:00am

Parang binura na ni Do­minique Cojuang­co sa kanyang Instagram (IG) account ang nag-comment ng “illegitimate child haha” dahil hindi na namin mahanap. Naka-tag pa si Gret­chen Barretto sa comment ng basher na obvious walang magawa.

 

Kung tinanggal ni Dominique ang comment, tama lang, pero kanyang sinagot ng maayos, hindi niya inaway at pinagsalitaan ng hindi maganda.

“Quite rich coming from someone with a bible verse in their bio. Hope God blesses you with happiness and contentment.”

Siguradong nabasa ni Gretchen ang comment ng basher na hindi na rin niya pinatulan. Saka, hindi na kailangang awa­yin ni Dominique ang nag-comment sa estado niya, ang netizens na ang umaway sa bashers.

Paglipat ni Derek sa GMA naudlot, hihintayin munang manganak si Marian?!

Naintriga kami sa sagot ng aktor na kaibigan ni Derek Ramsay nang tanungin namin kung matutuloy ang sinasabing paglipat ni Derek sa GMA-7? Ang sagot kasi ng aktor ay “maghintay lang” na ang ibig sabihin, matutuloy ang pagiging Kapuso nito, kaya maghintay na lang.

Nabalita kasing first week ng January 2019 pipirma na ng kontrata si Derek sa Kapuso Network, pero hanggang ngayon, second week na ng January, wala pa ring pirmahang nagaganap.

Bale ba, nabalita ring hindi na matutuloy ang paglipat ni Derek dahil ‘yung project na dapat daw pagtatambalan nila ni Jennylyn Mercado, si Gabby Concepcion na ang kapareha ni Jennylyn.

May nagsabi naman na hindi talaga si Derek ang katambal ni Jennylyn sa I Love You Two dahil kinukuha si Derek para itambal kay Marian Rivera. Kaso, nagbuntis si Marian, kaya hindi muna siya makakagawa ng teleserye.

Pero, sabi ng aktor na nakausap namin, tuloy pa rin sa GMA-7 si Derek, hintayin na lang ang mga susunod na balita kahit hindi muna si Marian ang kanyang makakapareha.

DO­MINIQUE COJUANG­CO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with