Ayaw na sana, Bong ibinunyag ang rason kaya kumandidato!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - January 13, 2019 - 12:00am

Wala na sanang balak tumakbo pa ulit si Bong Revilla bilang Senador ngayong 2019 elections lalo pa nga’t during the time of filing of candidacy ay nasa loob pa siya ng Camp Crame.

 

“Wala akong intens­yon (na tumakbo). Ang hihilingin mo lang, makalabas ka,” ani Bong.

Nagkataon daw na nakita lang ng asawa niyang si Bacoor Mayor Lani Mercado ang survey sa Senatorial candidates na lumabas last August kung saan ay no. 8 siya.

“So, sabi ko, kung nandidito pa ako, talagang ‘yung tao, talagang hindi sila bumitaw. Mahal pa rin nila ako,” ani Bong.

“Hanggang sa dumating ang Sept. 25, pumunta rin ‘yung mga kapartido ko, na sabi, ‘mag-file ka ng candidacy, at ikaw ay sa tingin namin, mananalo’ dahil siguro, nakita rin nila ‘yung survey na ‘yun, ‘yung 25,000 respondents na ‘yun,” dagdag niya.

Pinag-aralan daw niyang mabuti kung tatakbo siya o hindi at nag-decide raw siya ng later part ng September na rin.

Matatandaang ngang si Lani ang nag-file ng COC ni Bong last October.

Lahat daw ‘yan ay ipinagdasal at parang itinuturo raw ng Panginoon sa kanya ang dapat gawin.

“Sabi ko nga, Divine Providence nga. Ang masasabi ko lang, totoong may Diyos,” he said.

Kung tutuusin ay hindi naman kailangan na ni Bong ang maging pulitiko dahil kumikita naman siya ng malaki sa pag-aartista.

“Sa pelikula, sabi ko nga, isang suntok, isang gulong, isang halik, pera na ‘yan, eh. Masarap pa ‘yung halik,” sabi niyang natatawa pero sabay-bawi rin naman dahil naririnig siya ng asawa.

“Joke lang,” bawi niya.

Patuloy niya, sa pag-aartista pa lang ay okay na ang buhay niya. Pero gusto niya raw ibalik sa taong bayan ang pagsisilbi.

Sa kanyang pagbabalik ngayon, ipaglalaban pa rin daw niya ang mga taong naaapi pati na rin daw ang mga biktima ng bullying na tulad niya. Of course, ang pagtulong sa showbiz ay hindi pa rin niya kakalimutan tulad din ng pagtulong niya noong siya’y nakaupo pa at isa na rito ay ang batas na ginawa niya na pababain ang amusement tax from 30% to 10%.

Dingdong, Derek at Piolo nire-request magpelikula

Si Dingdong Dantes ang pinakabagong endorser ng isang brand ng donut at ito rin ang first endorsement ng aktor ngayong 2019 kaya naman ang swerte ng pasok sa kanya ng taon.

Ang nakakatuwa pa, makakasama niya bilang endorsers sina Piolo Pascual at Derek Ramsay na matagal na niyang gustong makatrabaho. Finally ay natupad na ito ngayon kahit sa endorsement lang.

Nang ipost nga ng tatlong aktor ang kanilang larawang magkakasamang tatlo, ang dami na agad nag-request na kung pwede naman pala silang pagsama-samahin sa endorsement, bakit hindi sa pelikula?

Puwedeng-puwede naman talaga actually na magsama sila sa isang pelikula kahit pa nga magkakaiba sila ng network lalo pa nga kung Star Cinema ang magpo-produce nito dahil wala namang problema sina Dingdong at Derek na um-appear sa naturang produksyon.

BONG REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with