MMFF 2018 pinatunayang hindi naghihirap ang mga Pinoy!
VEROFIED - Veronica Samio (Pang-masa) - January 13, 2019 - 12:00am

Umabot din pala ng bilyong piso ang kinita ng Metro Manila Film Festival 2018. Wala nang makapagsasabing naghihirap ang bansa sa rami nang pera na inilaan ng mga Pinoy para sa katatapos na pista ng pelikulang Pilipino.

 

Mabuti naman at hindi napigil ng mga hindi magagandang salita at review ng maraming nagmamarunong na nagsabing hindi maganda at walang mataas na kalidad ang walong itinampok na pelikula.

Maganda naman ‘yung tema ng Rainbow’s Sunset, maganda rin naman ang kuwento at mga bida ng The Girl in the Orange Dress, deserved ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles ang A rating nito. Nagawa rin namang takutin ang mga manonood ng Otlum at Aurora. May kukuwestyon ba sa galing ng bida ng Fantastica, ng aktor na nanalo ang award para sa One Great Love at ng magkapatid na gumanap sa Mary, Marry Me?

Jodi masasakripisyo ang pag-aaral?!

Baka kapag sumabak na sa Hollywood si Jodi Sta. Maria ay maapektuhan na ang pag-aaral niya ng medisina. May offer siya na maging international star. Yung mga patung-patong niyang trabaho rito ay minamani lamang niya tulad ng Second Coming, horror film with Marvin Agustin, Man and Wife with Gabby Concepcion, at Mea Culpa, TV series.

In fact, nag-top siya sa Dean’s List nung nakaraang taon at nagawa pang ibakasyon ang anak niyang si Thirdy sa Europe. Ang lahat ng ito ay sa kabila ng inaasahang big heartbreak niya sa hiwalayan nila ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla

Congratulations!

Maligayang bati sa bagong officers and members ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Congrats kay Sandy Mariano (Pres.), Fernan de Guzman (VP), Mel Navarro/Rodel Fernando (Sec. & Asst.),Boy Romero/Blessie Cirera (Treas. & Asst.), Leony Garcia/Timmy Basil (PROs), Francis Simeon Auditor) at Mildred Bacud, Joe Barrameda, Eric Borromeo, Roldan Castro, Lourdes Fabian at Rommel Placente, (Board).

Pinay beauty queens napapansin na uli

Wala namang gaanong pressure para sa mga susunod na beauty queen natin na sasabak sa mga international beauty pageants tulad ni Karen Gallman na kinatawan natin sa 47th Miss Intercontinental na gaya ng pinalalabas ng maraming beauty pageants observers and onlookers. Ito ay sa kabila ng victory ni Catriona Gray sa Miss Universe. Hindi naman ipepersecute ng mga kababayan niya. Although malulungkot sila kapag umuwi siyang luhaan. After all, may mga reps na rin tayo na nanalo rito.

METRO MANILA FILM FESTIVAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with