Sikat na female celebrity game sa hubaran nung wala pang pangalan
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - January 13, 2019 - 12:00am

Dumaan din sa auditions ang isang sikat na female celebrity nu’ng nag-aartista siya. Maganda na siya that time pero walang masyadong appeal.

 

Kaya naman minsang mag-audition siya para sa isang series, laking gulat ng in charge sa audition nang tanungin siya ng female celeb kung tatanggalin ba niya ang damit niya, huh!

Pinigilan siya ng in charge kahit na lalaki ito.

Eh, nag-iba ng linya ang female celeb. Sumikat siya at hindi na kailangang mag-audition pa para sa isang role. Pero behave na siya’t pa-sweet ang image na puwede niyang gawin ngayon, huh!

Facebook account ni Ken disabled!

Isa lang ang Facebook account ng Kapuso actor na si Ken Chan. May screen shot ni Ken sa Instagram ang announcement ng social media company na, “Your account has been disabled.”

“Ibig bang sabihin nito kailangan ko ng gumawa ng bagong account? Sorry sa lahat ng fb friends ko kaya hindi ako makapagmesage ay dahil dito,” caption ni Ken.

Kamakailan lang ay inanunsyo ng FB na may ilang accounts silang na-disable. Advice ng FB sa users bumisita sa Hep Center kung na-disabled ang account nila by mistake.

Kim milyon-milyon ang pasasalamat sa inang namayapa

Inalala ni Kim Chiu ang kaarawan ng namayapang ina matapos magliwaliw sa China kasama ang boyfriend na si Xian Lim.

Pumasyal ang Chinita Princess sa puntod ng ina at nag-alay ng madamda­ming mensahe.

“A million times I’ve needed you, a million times I cried.

“If love alone could have saved you, you never would gave died.

“In life, I love you dearly. In death, I love you still.

“In my heart you hold a place no one else can fill. It broke my heart to lose you.  But you didn’t go alone, part of me went with you, the day God took you home.”

“Happy Birthday in heaven mama I love you”

KEN CHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with