Fanny Serrano yumaman sa tinatayuan ng resto ni Alden
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - January 13, 2019 - 12:00am

“Masuwerteng lugar ito,” tukoy ni Aster Amoyo, fellow entertainment columnist namin, referring to the building housing na Concha’s Restaurant na pagmamay-ari ni Alden Richards sa may Tomas Morato street, Quezon City.

 

Aster and I were at the plush eatery ni Alden, together with other members of the entertainment media for the thanksgiving party he and GMA-7 organized.

“Dahil dito dinadayo ang beauty parlor ni Fanny Serrano. Yumayaman siya rito,” susog pa ni Aster. “Sayang nga lang at lately balitang may sakit pa siya.”

Ayon sa mga source na malapit kay Fanny, we heard na na-stroked siya two years ago, pero naka-recover na raw siya ngayon.

‘Di nga...

Loveteam nina Maine at Alden palalakasin nga ba uli?

Of Alden, who turned 27 this January, isa raw sa mga wish niya ay ang magkaroon na ng lovelife.

Finally na-feel na ni Alden that he is not getting any younger.

Meanwhile, tungkol naman sa kanyang ka-love team na si Maine Mendoza, lalong tumitindi ang balitang sila na ngayon ng Kapamilya actor na si Arjo Atayde.

Si Arjo ngayon ay magiging leading man ni Angel Locsin sa serye nitong The General’s Daughter, kasama rin nila sina JC de Vera at Paulo Avelino.

Samantala, may gagawin daw na pelikula sina Maine at Alden at posible raw na palakasing muli ang kanilang tambalan sa Eat Bulaga.

Heart hindi matutulungan si Sen, Chiz sa kampanya!

Pag nagkataon at natuloy nga ang paggawa ng Hollywood movie ni Heart Evangelista in China, she will surely have a hard time helping her husband na si Senator Chiz Escudero sa pangangampanya nito.

Simula na kasi ng pangangampanya next week, ayon sa COMELEC.

If we know Senator Chiz, hindi niya pipigilan si Heart from pursuing her dream to become an international star.

Right now, we heard, nasa China na si Heart para sa shooting ng sequel ng blockbuster film, Crazy Rich Asians kung saan tampok nga raw si Heart.

Lani naniniguro

Ngayong darating na eleksyon, mas magiging busy si Bacoor Mayor Lani Mercado kesa dati. Dahil tatakbo siya sa same position, kailangan pa rin niya ng campaign kahit na maraming nagsasabi na sure na mananalo na siya.

Eh ‘di ba tumatakbo rin for re-election ang kabiyak niyang si former Senator Bong Revilla? Although surveys said, malaki ang posibilidad na mananalo siya, iba nga naman if you keep reminding the voters to vote for him.

Re-electionist din for Cavite Vice Governor ang kanilang anak na si Jolo Revilla. Ganundin ang kanyang mga kapatid na sina Strike Revilla (for Bacoor City Representative) at Rowena Revilla-Mendiola (for Bacoor City Councilor)

Running din for Cavite Representative si Marlon Bautista, eldest among the Revilla brood, under the IPacman Partylist.

And last but not the least, Bong’s younger sister, Andeng Ynares. She is running for Antipolo City Mayor. Asawa niya ang kasalukuyang pang nakaupong Mayor na si Jun Ynares.

 

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with