Flight attendant naloka nang makitang iyak nang iyak si Anne
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 13, 2019 - 12:00am

Naka-relate ako sa kuwento ni Anne Curtis na iyak siya nang iyak sa eroplano habang pinapanood niya ang isa sa kanyang mga favorite Koreanovela.

 

Ang wagas na pag-iyak ni Anne ang dahilan kaya nilapitan ito ng flight attendant na na-bother sa nasaksihan na eksena at nagtanong kung okey lang siya.

Relate na relate ako kay Anne dahil kapag nano­nood ako ng mga Koreanovela, nadadala rin ako ng mga eksena kaya nagiging emotional ako. Feel na feel ko ang kuwento ni Anne na pigil na pigil ang pag-iyak at ang kanyang quiet hikbi na napansin ng flight attendant na naloka dahil isang sikat na artista ang nakita niya na umiiyak.

Alessandra ayaw nang balikan ang mga pagkakamali

Ayaw nang magsalita o magkuwento ni Alessandra de Rossi tungkol sa personal life at sa mga nanagyayari sa lovelife nito dahil mahirap nang mabura sa Internet ang mga video ng past interviews sa kanya.

Hindi rin komportable si Alessandra kapag pinapanood ang old videos ng interviews dahil nakikita niya na may mga mali sa kanyang mga sinabi.

Idinenay nga pala ni Alessandra na inspired ng lovelife niya ang kuwento ng 12, ang pelikula na siya ang bida at co-producer na ipinalas last year.

Nilinaw ni Alessandra na kuwento ng lovelife ng isang kaibigan niya ang istorya ng 12 kaya naengganyo siya na sumulat ng script.

Ang akala kasi ng iba, tungkol sa very passionate relationship ni Alessandra at ng aktor na si S ang kuwento ng 12.

Gay actor nagpapalakad sa pinaglalawayang actor na bakla rin

Pinagpapantasyahan pala ng gay actor ang kapwa aktor na matagal nang pinagdududahan ang sexual preference.

Hinihingi ng gay actor ang tulong ng kanyang mga kaibigan para makilala niya nang personal ang iniilusyon na aktor.

Binigyan ng babala ng friends ang gay actor na malabo itong magustuhan ng aktor dahil overacting ang pagiging gay niya.

Kung hindi raw nag-come out ang gay actor, may tsansa na pag-interesan din siya ng aktor na minsan nang na-link sa isang part-time actor at model.

Negang title ng movie nina Xian at Louise pinalitan

Si Marion Aunor ang kumanta ng Ma­ling Pag-ibig, ang theme song ng Hanggang Kailan, ang pelikula nina Xian Lim at Louise delos Reyes na may playdate sa February 6, 2019.

Dalawang pelikula na parehong love story ang tema ang magkasabay na magbubukas sa mga sinehan sa nasabing petsa, ang Hanggang Kailan ng Viva Films at ang Elise ng Regal Entertainment Inc. na pinagbibidahan naman nina Janine Gutierrez at Enchong Dee.

Baka Hanggang Dito Na Lang ang original title ng pelikula nina Xian at Louise pero pinalitan ito ng Hanggang Kailan.

Walang explanation na ibinigay ang Viva Films tungkol sa sudden change ng title ng pelikula na kinunan ang mga eksena sa Japan.

Ang Hanggang Kailan ang unang pelikula ni Louise na siya ang one and only leading lady na katuparan ng dream niya na magkaroon ng movie project sa Viva Films.

ANNE CURTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with