^

Pang Movies

Bong faithful na kay Lani

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Bong faithful na kay Lani

Tapos na ang Christmas at New Year. May masaya, malungkot, pero masagana pa rin. Ang last na thanks giving party na dinaluhan namin ay ang pasasalamat sa movie press ni Alden Richards na ginanap sa family business restaurant nila, ang Concha’s sa Timog Q.C.

Hindi man kami pinalad na manalo sa raffle, salamat pa rin! Pero nakalikom kami ng datung. Kay Lolit Solis na buwena mano, kay Gorgy Rula, Nitz Mirallez, Barbara Milano, c/o Mam Salve Asis. Itong si Lolit never naging selfish sa mga tulad namin, ano man ang matanggap niyang biyaya, lagi niya kaming inaambunan. Ah basta ang saya-saya! 

The other day naman, ang saya rin ng ginawang Welcome Party at presscon ni Bong Revilla for the entertainment press.

May open forum at join kami. Me naman kasi, laging about sex and lovelife ang tanong, tatak ko na yan every presscon.

Nandoon sa affair ang original na Ina ng Showbiz, si Mother Lily Monteverde, idol ko ang babaeng ito, pero hindi ako sipsip sa kanya. Ang tanong ko kay Bong ay kung during his days sa pagkakakulong sa Camp Crame, dahil usung-uso dun ang may nagbubugaw ng chicks, ang tanong ko ay kung wala bang nag-offer sa kanya or dinalhan siya ng babae to have sex with him?

E alam natin na sa bilibid kahit saang kulungan, bukod sa shabu, may mga babaeng dinadala para sa pansariling kaligayahan. Aba! nagalit si Mother Lily sa tanong ko, hindi ko raw dapat itanong ang ganun at nababastusan siya. Sagot ko naman kay Mother Lily, hayaan mong sagutin ni Bong ang tanong ko at makinig ka na lang, sagutin niya o hindi fine!

E, sinagot ni Bong at ang sagot niya ay WALA! At kung mayroon man ay hindi niya gagawin yun, sapagkat ang dasal niya ay ang makalabas at makapiling ang pamilya lalo na ang dakilang babae sa puso ni Bong na si Lani Mercado ang Ina ng Bacoor City.

Weeeh! K kana Madam Lily! Wala akong nakikitang masama sa tanong ko dahil totoong nangyayari yan sa mga piitan.

At nakita naman ng lahat na napakaganda ng sagot ni Bong.

Trabaho para sa mga jobless, matutupad na

Anyway, tapos na po ang transakyon ko with Sta. Rosa City Mayor Dan Fernandez with the good people from Korea sa offer na magbibigay ng trabaho sa mga jobless na kababayan. Ang ganda ng kanilang mga pinag usapan at pinaharap pa ni Mayor Dan ang mga staff niya na sina Jowell at Perla, sila ang incharge ng mga cultural affairs ng Mayor’s o­ffice. 

Personal

Happy birthday, My dear Black Nazarene! (Last Jan. 9) Pray for Us, Amen!

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with