^

Pang Movies

Pahinga sa pagkanta, Martin Nievera aarte na rin!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Pahinga sa pagkanta, Martin Nievera aarte na rin!

Excited na si Direk Enrico S. Quizon na magsimula sa shooting ng Mother’s Day presentation ng Regal Entertainment sa May. Kung noong una ay si Diamond Star si Maricel So­riano lamang ang sabi niyang lead star niya, pero nang makausap namin siya noong thanksgiving lunch nina Mother Lily Monteverde at Manay Marichu Perez-Maceda to welcome back Senator Bong Revilla, may bago raw kasama sa cast si Maria.

 

“Si Ms. Susan Roces at si Martin,” sabi ni Direk Eric. “Yes, pumayag si Concert King Martin Nievera na gumawa ng movie.”

Pero hanggang doon lamang ang kuwento ni Direk Eric. Wala pa s­iyang binanggit kung ano ang title ng movie at kung ano ang characters na gagam­panan nina Ms. Roces, Maricel at Martin.

Ang alam lamang namin, ang story ay sinulat ni Jose Javier Reyes. 

Tunay na kaabang-abang ang movie, na ngayon lamang muli mapapanood na aarte si Martin, na sa concert lamang natin nakilala.

Jennylyn may ikinumpisal kay Mel

Back to work na si Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado dahil bago magsimula ang taping niya ng romantic-comedy series na I Love You Too nila ni Gabby Concepcion, tinanggap muna niya ang role ng isang lesbian sa episode na Confessions of a Lesbian Mother sa Magpakailanman ni Ms. Mel Tiangco.

Sa Saturday, January 12, mapapanood ang episode na tunay na kuwento ni Maria Louisa Ponseca, si Bogs, isang lesbian na nabuntis at nagkaroon ng anak. Mayroon siyang kaaway dito, ang lesbian din na si Bebet na ga-gampanan naman ni Sheena Halili na magiging girlfriend din niya sa huli. Si Pancho Magno naman ay si Lando, ang lalaking magkakagusto kay Bogs at magkakaanak sila.

Mapapanood ang Magpakailanman na dinirek ni Rado Peru mula sa script ni Gina Marissa Tagasa, tonight, pagkatapos ng Daddy’s Gurl sa GMA-7.

Megan at Mikael pinagsama uli

Muling magtatambal ang real life sweethearts na sina Megan Young at Mikael Daez as special guests nina Vic Sotto at Maine Mendoza sa D­addy’s Gurl, na isa sa top 20 programs ng GMA Network for December 31, 2018 to January 6, 2019 as per AGB Nielsen survey for NUTAM. Directed by Chris Martinez, mapapanood ang sitcom after ng Pepito Manaloto mamayang gabi.

vuukle comment

MARTIN NIEVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with