Glorious gagawan ng sequel
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - January 12, 2019 - 12:00am

Waring wala nang makakapigil kay Deo Endrinal, Salve A., ang ABS-CBN business unit head at pinuno rin ng kanyang sariling produksyon na Dreamscape, sa patuloy na pag-produce ng mga palabas sa TV na very entertaining.

 

Heto nga at ‘di pa man nagsisimulang isahimpapawid ang kanyang bagong serye na ipinrodyus kung saan pinagbibidahan ni Angel Locsin, ang The General’s Daughter, ay may bago na naman siyang sisimulan na hindi pa puwedeng ipaalam kung ano ang plot, mga artista at kung sino ang direktor.

No need to tell you that Deo is the ‘brain’ behind the ultra successful and long-time running action series na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

We all know that he is also into producing digital movies.

Malaki rin ang papel niya sa tagumpay ng pelikulang Glorious nina Angel Aquino at Tony Labrusca, he might even produce a sequel sa nasabing pelikula ayon sa kanya.

No doubt na maganda rin ang team na bumubuo sa production ni Deo, especially it’s Creative Head, Rondel Lindayag, who is a Bedan, (graduate of San Beda University).

Angel napasubo sa pagiging ‘general’s daughter’

Of The General’s Daughter, hindi na kailangan pang tanungin si Angel kung ano ang nararamdaman niya nang ma-assign  sa kanya ang top role. She is not just proud, but overwhelmed pa, she said.

The role is not just appeals to her, but also challenges her. Mabuti na lang daw at kahit papaano ay may background siya in doing action scenes and in firing a gun.

Impressed din daw si Angel sa kanyang co-stars na sina Albert Martinez, Tirso Cruz III, Eula Valdez and Janice de Belen. Plus Maricel Soriano, who plays a special role.

She has three leading men, ito ay sina Paulo Avelino, JC de Vera at Arjo Atayde.

Ang nasabing serye ang magsisilbing comeback ni Angel pagkatapos ng apat na taon. Huli siyang napanood sa The Legal Wife na pinagbidahan nila nina Jericho Rosales, Maja Salvador at the late Mark Gil.

Miss Intercontinental pinagpalit ng Japan sa Olympic Games!

Japan’s loss is Philippines’ gain.

Ito marahil ang maging tagline para sa upcoming staging sa bansa ng 2018 Miss Intercontinental na gaganapin dapat sa Japan, pero dahil inuna ng Japan ang Olympic Games, nagbigay ng desisyon na sa Pilipinas na gawin ang nasabing beauty pageant.

The Coronation night will be held Saturday, January 28, at the Mall Of Asia Arena.

But there will be preliminary presentation. January 16 will have the candidates, more or less, numbering to 80 beautiful girls na mula sa iba’t ibang bansa sa buong mundo. Rarampa sila sa stage suot ang kanilang swimsuits at evening gowns sa Grand Ballroom sa Okada Manila.

Also to be held in the same venue on January 17 and 19, ang mga kandidata ay rarampa naman sa evening gown competition and in their respective National costume.

About 67 candidates pa lamang ang naipi-present sa members of media sa Sofitel Philippines Plaza Manila Ballroom.

The media attendance were given the chance to choose their ‘favorite’, and the winner is Karen Gallman, Miss Philippines.

For her prize, Karen was given $1,000.

We learned that she is Fil-Australian too like Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Mabuhay talaga ang Pilipinas, Salve A.

Negi magiging co-host ni Luis!

May bagong co-host si Luis Manzano sa kanyang game program na Minute To Win It na kasing-exciting daw ng girlfriend niyang si Jessy Mendiola, pero hindi ito puwedeng pagselosan ng huli.

Ito ay si Negi, na nagsisilbi ring sidekick ni Vice Ganda sa Sunday program nitong Gandang Gabi Vice.

Isang certified beki si Negi na nagpe-perform sa comedy bar hanggang ngayon. Siya raw ang breadwinner ng kanyang pamilya.

ANGEL AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with